Kabanata 3

2287 Words
Toronto "Then I succeeded!" "That's exactly my plan, Myla." "To make you love me like I loved you before. " "And I succeeded, Myla." "I made you believe that I love you." "I'm so glad that I'm your first. Thank you, Myla. "  "Myla!" I suddenly opened my eyes when I heard my name again. At first, I thought it was just a part of my dream but I saw Chad in front of me. Napaupo ako agad at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kama ko. "Are you okay?" Chad asked. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I am sweating and my whole body is trembling. Napatingin ako sa kamay kong nanginginig din. Ito na naman. Ilang beses muna akong huminga ng malalim. That's another way for my body to relax. It has been a week since I met my new therapist and I need to see her twice a week. We can meet once a week pagkatapos ng ilang session pa. "O-Oo." I uttered. He sat beside me, he looks very worried. "It's okay not to wear comforter, Myla. The heater inside this room is always on. Iyon naman ang sinabi ni Ma'am Irene, diba?" Sabi niya, iyong therapist ko ang tinutukoy niya. Dito na kasi ako sa bahay ni Chad nakatira ngayon. Umalis na ako sa dati kong Condo. Wala dito ang parents niya kaya ilang yaya lang ang kasama namin. Ma'am Irene, my therapist adviced me not to be alone. Dapat daw lagi akong may kasama. Which is a little bit weird, kasi lagi naman akong mag isa talaga noon pa. Si Amy lang ang kasa kasama ko. Hindi ako masyadong nakikinig sa mga sinasabi ng therapist noong una pero ngayon ay natutunan ko ng sundin ang mga sinasabi niya. Dahil lahat ng symptoms na sinabi ng therapist ko ay nakikita ko sa sarili ko and it is really scary. Pakiramdam ko ay nawawala na ako sa sarili ko. This is not me! I am a strong woman, bakit ganito na ako ngayon? Tumango lang ako kay Chad. "I know it's a bit early but you need to get up. Your parents are downstairs.." Sa isang iglap ay parang nagising lahat ng neurons ko sa katawan. My parents are here? They must be! I missed them so much. Dahil sa narinig ko ay agad akong bumaba. Nang makarating ako sa sala at makita ko sila ay ibang saya ang naramdaman ko. Minsan lang silang umuwi noon and it was okay with me, pero ibang iba ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na silang hindi nakita. I hugged my Mom tight. Very tight. "How are you?" Dad asked while Mom just hugged me back. Siguro ay alam na nila ang kalagayan ko. Naupo na kami lahat sa mahabang sofa. "Why don't you just go back home? You don't need to work here." sabi ni Mama na nasa tabi ko. Umiling ako. "I am just fine here, Mama. I just don't know what happened to me." Sabi ko. Siguro alam din nila ang nangyari sa amin ni Travis. I don't want to stay in our house.. dahil wala din naman akong kasama doon. Mom and Dad are staying in Singapore, anyways. Mag isa lang ako kung uuwi ako sa Pilipinas. "Do we personally know this guy?" Dad asked. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagtatanong, pero kailangan kong sagutin. Umiling ako. "Hindi po, Daddy. Highschool batch ko siya." Sagot ko. Hindi ko kailangang itago dahil alam naman na nila. Nakita kong tumango lang si Daddy at nagkatinginan sila ni Mom. They maybe feel sorry for me now. At sa unang pagkakataon ay naisip kong tama lang pala na pinagbawalan ako ni Daddy na magboyfriend noon. Tama nga ba? "Magbreakfast po muna tayo." Sabi ni Chad na nasa harap na pala namin. Ngumiti ako sa kanya at bumulong. "Thank you." I appreciate everything he's doing for me, inaasikaso niya ako na parang tunay na kamag anak. Tumayo na kami at pumunta sa kitchen. Kumain kami at nagkwentuhan at kahit sa ilang oras lang ay naibsan ang lungkot na nararamadaman ko. Nanatili sina Mom at Dad ng ilang oras. At nalungkot na naman ako nang magpaalam sila dahil may hinahabol silang conference ni Daddy. Ngayon ay naiwan na naman kami ni Chad.  "Papasok ka ngayon?" Chad asked, nandito kami ngayon sa sala. Nakita kasi niyang nakabihis na ako. I nodded. "I have a lot of graphics to edit." Simpleng sagot ko. Tito ni Chad ang may ari ng companyang pinagtrabahuan ko kaya mas doble ang hiyang nararamdaman ko. "It's up to you." Nagkibit balikat siya. I was fixing my shoulder bag when Chad spoke again. "Don't tell me, you won't eat again?" Nakakunot siyang nakatingin sa akin. "Chad, doon nalang ako sa office kakain." Nakangiti kong sabi kahit hindi naman talaga. "Siguraduhin mo lang, Myla." . "Oo naman. Thank you, my Chaddie." Nakangiti kong sambit sa kanya. Narinig kong huminga siya ng malalim. "You really don't wear dress anymore?" Bigla ay tanong niya na naman. Wala sa sariling tumango na naman ako. I love wearing dresses before but everything has changed when I met Travis. He stopped me. He doesn't want me to wear dress. At ayoko na din, mas maganda ang jeans ngayon. Tama siya. "Is it because of him?" Malumanay na tanong ni Chad. Hindi na ako kumibo dahil sa totoo lang ay medyo guilty ako. Lumapit siya sa akin. "One way to forget him is to forget the things about him, right?" Sabi ni Chad na naman, na animo'y pinapaalala niya ang mga sinabi ng therapist ko. Napayuko ako dahil sa totoo lang ay hindi ko masyado kayang gawin ang sinasabi niya. "I can't, Chad. Kung kakalimutan ko iyon, parang tinatanggal ko na talaga siya sa buhay ko." "And that's the right thing, right?" I swallowed, of course, it is! Tama siya pero sana ay paunti-unti naman. "That's why we looked for a therapist, para mawala na yang depression mo. " sabi na naman niya. "I'm not depressed." Paaalala ko. "Yet! But you can get depression if you won't follow your therapist's advices." Malumanay ang pananalita niya ngunit alam kong naiinis na siya sa akin. "Ma'am Irene adviced you to forget all the things about Travis. He bacame your world that's why you're being like this.." I bowed down my head because of guilt. "Okay. Yes. I'm sorry." Hinging paumanhin ko dahil alam ko sa sariling tama siya. Huminga ako ng malalim. "Pero.. isn't too soon, Chad." I sounded so helpless at kahit ako ay nalilito na sa sarili ko. Narinig kong huminga na naman siya ng malalim. "The earlier, the better." Sabi niya. Lumapit siya at niyakap ako. He really care about me at sobrang nagpapasalamat ako. Habang nasa biyahe ako papuntang trabaho ay iniisip ko ang sinabi ni Chad sa akin. Hindi ko alam kung paano ko gagawin, I just don't know. Napakahina ng kalooban ko. Hinahatid ako palagi ng driver ni Chad at kotse din ni Chad itong gamit namin. Kung lalaki siguro siya ay gusto ko siyang maging boyfriend, o asawa. Ngunit babae ang puso niya kaya wala na akong magagawa doon. Siya na nga lang ang nagpapangiti sa akin ngayon. Nang makarating na ako sa opisina ay una kong binuksan ang social media accounts ko. I know that Travis unfriended me on social media so I can't see his posts. He also deactivated his f*******: account, or maybe he blocked me. But I try stalking him again this past few days and I saw that his account was activated again. From then on, palagi ko siyang iniistalk. Nanlumo ako nang makita kong wala pang nadagdag na pictures from him, siguro ay mayroon ngunit baka naka private. Ma'am Irene also asked me to deactivate my social media accounts pero nahirapan akong gawin iyon. Ngunit napaisip ako sa sinabi ni Chad, he's right, the earlier the better. I need to try hard, I have to try my best para makalimutan siya. Kailangan kong tulungan ang sarili ko. Dahil alam kong wala ng mangyayari pa sa amin ni Travis. I didn't think twice anymore and I deactivated my f*******: account. I didn't also bother to open my i********: and Twitter account. It's the only way to forget him.. and the pain. I worked silently for the whole day, I focused all my attention to the things that I had to finish. Kailangan kong maging busy. Nang matapos na ang mga trabaho ko ay nanatili muna ako sa opisina. Ayoko munang umuwi dahil wala din lang akong gagawin sa bahay nina Chad. I also texted Chad not to let his driver fetch me because I decided to go shopping. Nagreply naman agad siya at sinabing uuwi ako dapat agad. I have to buy some dresses. Iyon naman ang dati kong damit noong hindi ko pa nakakasama si Travis, eh. Chad's right, I need to forget Travis kahit sobrang sakit. Iniisip ko pa lang ay parang hindi ko pa kaya, sa tuwing iniisip ko ang mga sinabi niya noong umaga na iyon ay nasasaktan parin ako. Kapag iniisip kong engage na siya o baka ikinasal na siya ay nasasaktan parin ako. Ganoon kalungkot ang mundo ko. But I need to try. "Kailangan mo daw lumipat sa Toronto. But I said you can't go there because of your Therapy schedule.." "No, Chad. Pupunta ako." Hindi pa natatapos ni Chad ang sasabihin niya ay nagsalita agad ako at umiling. "What?" Nakakunot noo niyang tanong, mukhang hindi niya inasahan ang sinabi ko. Yumuko muna ako ng ilang sandali bago tumingin ulit sa kanya. "I should go. Sayang naman. Kung kailangan kong lumipat, lilipat ako. This is my dream at kailangan kong gawin ito.." I don't even know if that's really my point. "Nagbibiro ka ba? You have a lot of opportunities here. Pwede kong sabihin kay Tito." "No, Chad, it's just too much. Pinatira mo na nga ako dito, diba?" Malumanay kong paliwanag at totoo ang sinasabi ko. "But how's your condition?" I sighed, hindi ko na iyon naisip dahil ang sabi naman ni Ma'am Irene ay hindi masyadong malala. Siguro naman ay kaya ko pang ihandle. "Don't worry, maghahanap agad ako ng therapist doon." Sabi ko kay Chad para hindi na siya mag isip pa. "I'm sorry, Myla kung kailangan mo pang lumipat doon. Ikaw kasi ang isang magaling na inaasahan ni Tito. I can volunteer naman pero siguradong hindi papayag iyon." Paghingi niya ng opinyon. Ngumiti ako. "Okay lang, ano ka ba? I'm not a kid anymore. If you're thinking about my condion, don't worry. I can still handle." "Sigurado ka ba? Pero.. huwag kang mag alala tatawagan kita palagi." Aniya. He even pouted. "Oo nga, sigurado ako. I'm fine." I assured him. Nag-usap pa kami ni Chad tungkol sa paglipat ko at nalaman ko na sa susunod na linggo na ang alis ko. Alam kong mahihirapan ako dahil wala akong kasama doon pero sanay naman din akong mag isa. Ang iniisip ko lang ay ang sinabi ng therapist ko, na iwasan mapag isa. Pero alam kong kaya ko. Hindi ko alam kung ang pangarap ko ba ang iniisip ko o kung gusto ko lang ichallenge ang sarili ko. Maybe both? Siguro kung tatanggihan ko si Tito Leo ay mas nakakahiya. Siya na nga ang tumutulong, ako pa ang aayaw. So I have to do this. This is my dream anyway, I will not give up. Mabilis lumipas ang isang linggo. Alam kong mabagal pero naging mabilis dahil sa kaba ko. Dumating na ang araw kung kailan ang alis ko papuntang Toronto. Ewan ko pero kakaibang lungkot ang naramdaman ko. Akala ko okay na ako, hindi pa pala.  "Mag ingat ka doon, ha? Tatawagan nalang kita palagi para hindi ka manibago. Tsaka maghanap ka agad ng therapist, ha?" Paalala na naman ni Chad. Nandito na ako sa Charles de Gaulle Airport at departure time nalang ang hinihintay ko. "Yes, Chaddie. Don't worry. Please mag iingat ka din, huwag puro lalaki." Natatawang sabi ko din, kailangan din niya ng paalala. "Oo naman. Wala naman akong lalaki dito. Anyway, have a safe trip. Tawagan mo ako kung maganda iyong Condo mo doon. Sabihin mo kung masikip para sabihan ko agad si Tito." Sabi niya. "Ano ka ba, Chaddie. Libre na nga, magrereklamo pa ba ako?" "Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Canada. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately five minutes time. Thank you." Naging busy ako sa pakikinig sa announcement. Hindi ko alam pero nagiging observant na ako sa mga bagay na walang kwenta nowadays. I sighed. Ito na nga, I really need to go. "Okay bye, you need to go. Baka hanapin ka sa opisina. Huwag mo akong iyakan." Ngumiti ako sa kanya sa huling pagkakataon. "Sige na. Tawagan mo agad si Charlotte." Si Charlotte daw ang susundo sa akin sa Airport. Hindi ko pa siya nakikita ngunit mabuti na lang at pinay din siya. Habang naglalakad ako paalis ay kumaway ako sa kanya. Bye for now, Chad. "Ladies and gentlemen, welcome to Toronto Pearson International Airport. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. " Pagkasabi noon ay kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko. Kailangan kong tawagan ang susundo sa akin. Siya din daw ang magiging assistant ko. First time ko dito sa Toronto at sobrang talagang naninibago ako. Kung business minded sana kasi ako noon pa para sumasama ako kina Papa noon, eh hindi naman kasi. Pagdating ko sa waiting area ay nilibot ko na ang paningin ko. I prayed to see my name already. At wala pang isang minuto ay nakita ko na ang apelyedo ko. Ms. Montero Hawak iyon ng isang babae na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon. Ngumiti ako at kumaway sa babae. Nakita naman niya ako agad. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Are you miss Charlotte Cruz?" I asked. "Yes, Ma'am. " sabi niya. I smiled at her. Mukhang magkakasundo kami dahil ngiti palang niya ay parang napakabait na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD