Part 46: Kaya Ko Naman, Mas Mahalaga Ka

617 Words
Madaling-araw 5:00 AM. Tahimik ang Crame Hospital, tanging ugong ng fluorescent light at mahinang tunog ng bentilador sa kisame ang kasama ko. Nakahiga ako, ang kanang balikat ko nakabenda, may sling na parang bakal na pumipigil sa bawat galaw. Malalim ang hininga ko, pilit kong binibilang para huwag sumuko sa sakit. Pero hindi ang sugat ang pinakamabigat—kundi ang iniwan nitong alaala. Bawat pagpikit ko, bumabalik ang eksena—ang bala, ang sigaw ni Adrian, at ang bigat ng dugo na unti-unting lumalabas sa katawan ko. Naputol ang pag-iisa ko nang bumukas ang pinto. Si Adrian. Naka-simple lang—shirt at pantalon, pero ang braso’t binti niya puno pa rin ng plaster at gasgas, tanda ng granadang muntik nang pumatay sa kanya. Hawak niya ang tray ng sabaw at dalawang tasa ng kape. Ang hirap tingnan na parang wala siyang iniinda, pero alam kong sa ilalim ng tapang na ‘yon, may sugat na mas malalim. “Uy,” bati niya, pilit ngumiti. “Pasensya na, ito lang ang nadala ko. Hindi ka pwedeng puro kanin at gamot.” Napangiti ako kahit ramdam ang kirot. “Dapat ako ang nag-aalala. Tingnan mo ‘yang sugat mo, Adrian. Ni ayaw mong magpa-confine. Tapos ngayon, ikaw pa nag-aalaga sa’kin.” Umupo siya sa gilid ng kama, inilapag ang tray. “Kaya ko naman. Mas mahalaga ka.” Tumitig ako sa kanya. Kita ko sa ilalim ng fluorescent light ang mapurol na pagod sa mukha niya. Hindi lang katawan ang sugatan—pati loob. “Adrian,” mahina kong sabi, halos bulong. “Alam kong matigas ka… pero hindi ibig sabihin wala kang tama sa loob. Nasabugan ka ng granada. Kahit sino, babagsak. Paano kung may delayed effect? Concussion? Internal bleeding?” Tahimik siya saglit. Kinuha ang kape, humigop, saka tumalikod nang kaunti. “Kung may mangyari man…” napalunok siya bago nagpatuloy. “At least nandito ako kasama ka. Hindi kita hahayaang mag-isa.” Parang may kumurot sa dibdib ko. Gusto kong pagalitan siya, pilitin siyang magpahinga, pero alam kong iyon ang paraan niya para manatiling matatag. Para hindi siya lamunin ng trauma. Hinawakan ko ang kamay niya. Mainit, nanginginig ng kaunti. “Hindi mo kailangang magpakatapang palagi. May karapatan kang humina. Hindi ka nag-iisa.” Saglit siyang napayuko, tahimik, pero pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit—parang kumakapit sa huling kanlungan. At doon ko lang naramdaman kung gaano kabigat ang lahat para sa kanya. Mabilis lumipas ang ilang araw.... Dalawang linggo matapos ang operasyon, dumating ang araw ng discharge. Nakaupo ako sa wheelchair, hawak ng nurse ang papeles. Si Adrian naman ang may dala ng bag, handa nang isakay ako palabas. “Pwede ka nang umuwi, Sir David,” sabi ng nurse. “Pero bawal muna ang mabibigat na gawain. Strict rest and follow-up checkups.” Tumango ako. Pero habang lumalabas kami ng kwarto at naglalakad sa mahabang corridor, may bigat sa dibdib ko na hindi maalis. “Adrian,” tawag ko, mahina. “Hm?” sagot niya, nakatingin sa direksyon ng elevator. “Kapag nakalabas na tayo rito… handa ka ba sa susunod? Hindi ko sinasabi na laban agad, pero pakiramdam ko… hindi pa tapos ang lahat.” Nang bumukas ang elevator, lumingon siya, diretso sa mga mata ko. “Basta magkasama tayo, kahit ano ‘yon, kakayanin natin.” Sumara ang pinto. Tahimik. Ramdam ko ang pagbagal ng oras. Biglang tumunog ang cellphone ni Adrian. Hindi ordinaryong ringtone—secure line. Kinabahan ako. Kinuha niya agad, sinagot, at ilang segundo lang, nanlaki ang mga mata niya. “David…” boses niyang mabigat, parang bato. “May kailangang malaman ka.” Napakuyom ako ng kamao. Ramdam kong ang pahinga namin ay panandalian lang. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD