Part 1: The Secret App
"Pre, baka may makita sa phone mo."
Halos mahulog yung cellphone ko sa kaba nang marinig ko si Sarge. Duty kami noon sa highway checkpoint, nakapark ang mobile, ako yung nakabantay. Pero sa halip na tumutok sa paligid, abala ako sa phone ko.
"Wala 'to, Sarge. Chat lang sa pinsan," palusot ko. Pinilit kong ngumiti, pero ramdam kong pinagpapawisan ang palad ko.
Hindi pinsan ang ka-chat ko.
Ako si David, 34, police master sergeant. Halos isang dekada na akong nasa serbisyo. Proud ako sa badge ko, proud ako sa uniform. May girlfriend ako sa probinsya—si Jenny. Dalawang taon na kami. Mabait siya, supportive, palaging nag-aalala sa akin. Mahal ko siya... o baka mahal ko lang siya sa paraang kaya kong ibigay.
Pero may tinatago ako.
I've always known I was bisexual. Simula pa noong high school, ramdam ko na. Pero dahil sa pamilya, trabaho, at expectations, tinago ko na lang. Sa mundo ng pulis, machismo ang pamantayan. Kailangan brusko, kailangan "lalaking-lalaki." Kaya natutunan kong magsuot ng maskara—magsinungaling kahit sa sarili.
Hanggang sa isang gabi, bumigay ako.
Binuksan ko ang App Store. Dinownload ko ang Grindr.
Noong una, wala akong plano. Hindi ko naman intensyon maghanap ng pag-ibig. Gusto ko lang ng kausap. Gusto ko lang maramdaman na hindi ako nag-iisa.
Nag-scroll ako ng mga profile. Puro discreet. Puro walang mukha. Puro takot. At doon, may nag-message.
Chat:
"Discreet ka ba?"
"Yeah. Kailangan."
"Gusto mo magkita? One time lang. Walang complications."
Nagdalawang-isip ako. Delikado. Career ko ang nakataya. Pero may parte sa'kin na gustong sumubok.
"Okay. One time lang."
⸻
Kinabukasan, nagkita kami sa isang maliit na inn sa Quezon City.
Ako, kabado. Para akong bagitong pulis na unang sasabak sa operasyon. Siya, medyo seryoso, pero halata ring kinakabahan. Pumasok kami sa kwarto na parang may bantang bomba sa paligid. Tahimik. Walang tanungan ng pangalan.
Matangkad siya, maganda ang tindig ng katawan, halata mong may hitsura at higit sa lahat lalaking lalaki kagaya ko.
Pinatay agad niya ang ilaw. Umupo ako sa gilid ng kama, hawak-hawak pa rin ang cellphone ko—parang sandata laban sa katahimikan. Lumapit siya, umupo sa tabi ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi kami magkadikit.
"Relax ka lang..." mahinahon niyang sabi.
Napalingon ako. Doon unang nagtagpo ang mga mata namin. At sa ilang segundong 'yon, parang tumigil ang oras. Hindi ko nakita ang macho image o brusko niyang tindig. Ang nakita ko, isang taong katulad ko—takot, pero naghahanap ng koneksyon.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya, humawak sa kamay ko. "Okay lang ba?" tanong niya, halos bulong.
Tumango ako. Para akong biglang nakahinga.
Ngumiti siya, 'yung tipong para bang sinasabi na ligtas ako sa piling niya. At bago ko pa mapigilan, yumuko siya.
Ang labi niya, dumikit sa labi ko—magaan, maingat, parang nagtanong kung pwede. Sagot ko, mas madiin kong ibinalik ang halik.
Mula sa kaba, naging pananabik. Mula sa pag-aalinlangan, naging pagnanasa. Habang tumatagal ang halik, mas humihigpit ang yakap namin. Ramdam ko ang t***k ng puso niya, mabilis, kasabay ng akin.
Pinakawalan niya ako sandali, tumingin nang diretso. "Matagal ko nang gustong gawin 'to," bulong niya.
"Same," sagot ko, halos hindi ko na marinig ang sarili.
Mabilis kaming naghubad ng aming saplot, as in walang natira sa sobrang pananabik hanggang sa muling naglapat ang mga labi namin. Mas mapusok, mas buo ang loob. Para kaming dalawang sundalong matagal nang nagtatago sa dilim at sa wakas nakahanap ng kanlungan.
Mabilis siyang umibabaw sa akin, ramdam ko ang tikas ng katawan niya at ganoon din siya sa akin. Mapusok ang halikan naming dalawa, naglakbay ang mga kamay namin sa isa't isa dinadama ang bawat laman na aming makapa hanggang sa sabay kaming mapaungol nang magespadahan ang galit at sabik naming p*********i.
Napahawak ako sa kanya, ramdam ko ang kahabaan nito, kasing tigas at laki din ng aking p*********i hanggang sa sabay ko itong bayuhin at sabay kaming napahinga ng malalim sa ligaya.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang halikan namin. Basta sa gabing 'yon, wala na akong naalala kundi ang amoy ng cologne niya, ang init ng balat niya, at ang pakiramdam na, for once, hindi ako nag-iisa.
⸻
Pagkauwi ko, akala ko tapos na. Hook up, one night stand. Wala nang kasunod.
Pero habang naka-duty ako kinabukasan, biglang nag-vibrate ang phone ko. Unknown number. Binuksan ko.
Message:
"Uy, kumain ka na ba?"
Napakunot-noo ako. Naibigay ko pala ang number ko sa kanya sa Grndr.
"Ano 'to? Akala ko one time lang tayo?"
"Ewan. Gusto lang kita kamustahin. Parang ayokong matapos agad."
Natigilan ako.
Kasi para sa akin, lahat ng ganitong encounter, laging panandalian. Pero eto siya, nagme-message pa. At ang simpleng "Uy, kumain ka na ba?" na 'yon... nagbukas ng pintuan na matagal ko nang isinara.
At doon nagsimula ang laban na hindi bala o baril ang kalaban—kundi sarili kong puso.
Itutuloy...