Paglapit namin sa White House—the official residence of the PNP Chief—parang bumigat ang dibdib ko. Sa labas pa lang, mahigpit na seguridad, mga sundalo at pulis na alerto, halatang simbolo ng kapangyarihan. Pero pagpasok namin, sinalubong kami ng isang malumanay na boses.
“Adrian, David! Welcome.”
Isang babaeng eleganteng bihis ang nagbukas ng pinto—si Tita Estella, ang asawa ng General. May ngiti sa kanyang mukha na agad nagpa-relax sa akin. Hindi ito yung malamig at nakakatensyong ambiance na inisip ko. Bagkus, parang tahanan.
Sa hapag, nakalatag ang masasarap na putahe—inaalok na parang simpleng handa ng isang pamilya, hindi isang state banquet. Naroon si General Villareal, nakangiti pero hindi intimidating, at sa tabi niya si Tita Estella na parang conductor ng isang symphony—siya ang nagdala ng init sa gabi.
“Tonight,” bungad ng General, “we don’t talk about work. No ranks, no missions. Just family, dreams, and the future.”
Napatingin ako kay Adrian, halatang nagulat din siya. Siguro akala niya interrogation o military briefing ang mangyayari. Pero hindi—ito ay dinner ng pamilya.
Kasama rin namin si Kara, kinakapatid ni Adrian na best friend niya din. Ang tawanan, mga simpleng kwento, at mga pagbabalik-tanaw ang umikot sa mesa.
At doon ko unang narinig ang buong istorya ni Adrian. Hindi niya ito ikinuwento sa akin noon nang buo—siguro dahil hindi siya mahilig magyabang. Pero ngayong gabi, tila si Tita Estella at si Kara ang nagsilbing tagapagsalaysay ng kanyang nakaraan.
“Remember, Adrian?” panimula ni Kara habang ngumunguya ng adobo. “Twenty-one ka lang noon, tapos top 1 ka pa sa ECE board exam. Hindi mo kami sinabihan agad kasi gusto mo ‘yung simpleng celebration lang.”
Napasinghap ako. Top 1?
Tumawa si Tita Estella. “Oo, David. Kaya nga agad siyang tinawag ni Tito niya sa PNP. With lateral entry, nakapasok siya bilang Police Lieutenant. Galing pa siya sa FEU Tech, Summa c*m Laude sa BSECE. At ang mas nakakabilib—” tumingin siya kay Adrian, proud na proud, “—habang nagsisilbi na siya sa serbisyo, kumuha pa ng Criminology sa PCCR. Summa c*m Laude ulit. Top 2 sa Criminology board. Double licensed professional, imagine that!”
Halos malaglag ang kutsara ko. Napatingin ako kay Adrian na tila nahiya sa spotlight. “Bakit hindi mo sinasabi sa akin ‘to?” bulong ko.
Ngumiti siya ng tipid. “Hindi naman importante kung ikaw lang naman ang kaharap ko.”
Pero para sa akin, sobrang laki ng ibig sabihin nun.
Nagpatuloy ang usapan—kung paanong by 25, Captain na siya at nagsimula ng Master’s in Criminology, natapos with High Distinction at Outstanding Graduate Student Award. At kung paano, by 27, nagsimula na siyang mag-Juris Doctor habang active duty pa rin sa serbisyo.
“Ngayon, 28 na siya,” dagdag ng General, may bahid ng pagmamalaki, “first year sa law school at tuloy ang serbisyo. Hindi madaling gawain, pero nagagawa niya.”
Tahimik akong nakinig, para bang pinapanood ang isang pelikula. Sa bawat detalye, mas nakikita ko kung gaano kabigat ang mga hakbang na tinahak ni Adrian. Hindi lang siya sundalo. Hindi lang siya pulis. Isa siyang tao na ginawang misyon ang kahusayan.
Habang nagbibiruan si Kara at ang kinakapatid nila tungkol sa mga kabataan ni Adrian, napatitig ako sa kanya. Naroon siya, nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, nakangiti, pero halatang naiilang sa papuri. At sa ilalim ng ilaw ng chandelier, para siyang ibang tao—hindi lang yung Adrian na sumasalo sa akin kapag bumabagsak ako, kundi yung Adrian na kaya kong ipagmalaki sa mundo.
Ito pala ang taong minahal ko, bulong ng isip ko. At mas lalo ko siyang minamahal ngayon.
Itutuloy...