Chapter 7 - Visitor

1367 Words
SUNOD-SUNOD ang ginawa kong paglunok ng laway habang naglalakad kami ni Walter palabas ng malawak na event hall. Naiilang ako sa mga matang nakatuon sa amin dahil sa eksena namin kanina habang nagsasayaw, pero ang higit na nagpapakaba sa akin ay ang posibleng sumunod na mangyari sa pagitan namin ng lalaki. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib sa bilis ng t*ibok niyon. I know it was me who teased him. Kaya naman hindi ko magawang kumalas buhat sa pagkakahawak niya sa aking kamay. Hanggang sa tuloyan na kaming makalabas sa event hall ay patuloy lang ako sa pagsabay sa bawat hakbang niya. Nagulat pa ako noong lumapit siya sa front desk. “One VIP room,” he said urgently and authoritatively to the receptionist. Agad namang tumango ang babae na naroon. Oh my Gosh! Dito talaga sa hotel na ito? Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. That's when I caught him staring at me with an amused expression on his face. Hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko magawang kumontra. Or should I say, I have no right to object? Ikaw ang nang-akit, remember? akusa ng isang bahagi ng isip ko. “What now? Do you want to back out?” tanong niya sa akin nang mapansin ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko mabasa kung naaaliw ba siya sa reaksyon ko o naiinis. He looked so serious and composed as usual. “H-Hindi!” kaila ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang. Bahagya naman siyang ngumiti at ipinaling ang ulo sa isang gilid habang nakamasid sa akin. Sa tingin ko ay tinatantya niya ang tapang ko ngayon. Parang sumasakit na ang puson ko sa kaba at nanlalamig na rin ang aking mga kamay. “That's good because you have no choice but to finish what you've started,” sagot niya. Napasulyap ako sa receptionist para tingnan kung narinig ba nila ang sinabi ni Walter. I'm sure they heard him, but they pretended not to. Ilang minuto lang at nasa tapat na kami ng pinto ng VIP room na kinuha ni Walter. Nagbara na yata ang puso ko sa lalamunan ko dahil bigla ay nahihirapan akong huminga. Nakatitig lang sa akin si Walter habang binubuksan niya ang pinto. Pagkapasok pa lang namin sa loob ng room ay inabot niya agad ako at marahang itinulak hanggang sa mapasandal ako sa dingding. Sa gulat ay ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na hangaan ang malawak at magandang interior ng room. His lips grabbed mine fiercely. He kissed me hard. Iyong tipo na mapusok at mapagparusa. Marahil dahil sa paghahamon ko sa kaniya kanina? Ni hindi ko magawang sabayan ang bawat galaw ng labi niya. His tongue lightly touched my bottom lip. Napaungol ako at wala sa loob na napahawak ako sa balikat niya. His left hand grabbed my face as he deepened the kiss. He gently bit my lips, causing me to open my mouth. He used the opportunity and slid his tongue inside. I moan with delight as he tastes me. Suddenly, I started to feel like I was evaporating. It's like my soul has departed from my body. Ito pala iyong pakiramdam na nawawala ka sa katinuan. Ganoon na ba talaga ang epekto niya sa akin? O dahil lang ito sa nagrerelde kong puso? Ang isip ko ay nakatuon na lang sa labi niyang noon ay unti-unti nang naglakbay pababa sa aking leeg. I felt something wet in my undies. Was it because of his kisses? Naramdaman ko ang mainit na palad ni Walter na naglakbay mula sa hita ko pataas. Ramdam ko ang paggapang ng init sa bawat parte ng katawan ko na dinadaanan ng palad niya. Ang mga kamay ko ay kusa na ring hinubad ang coat niya. Wala na yata siyang pakialam kung nalaglag iyon sa makintab na sahig ng hotel room. “Are you sure you want to do this?” bulong niya sa akin. At ngayon pa talaga siya nagtanong? As if naman papayag siya kung mag-back out ako ngayon? Hindi ako sumagot. And he might have taken that as a yes because his left hand lightly squeezed my breast. It charged my body with hundreds of volts, igniting my desire. I know I hated this man, pero sa ngayon ay hindi ko makapa ang inis sa kaniya. Bakit patuloy akong nagpapadala sa mga halik niya? During our few encounter, he flatly stated that he did not find me attractive. Pero bakit narito kaming dalawa sa kwarto at patuloy na nagpapadala sa gusto ng aming katawan? Nagmulat ako at sinalubong ako ng mga mata niyang titig na titig sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Tinitingnan pala niya ako. Ano kayang hitsura ko kanina? “W-Wait lang,” pigil ko sa kaniya nang dumako ang kamay niya sa laylayan ng dress ko at sa tingin ko ay handa na siyang hubarin iyon. Napakunot naman ang noo niya at nagtatakang tiningnan ako. “I…I need to go to the comfort room first.” “Nah!” tutol ni Walter na halatang hindi nagustuhan ang pagkaantala ng ginagawa namin. Akmang sasakupin niya ang aking labi kaya naman itinukod ko ang kamay sa kaniyang dibdib. “I need to freshen up,” pakiusap ko. Malalim na nagbuntong-hininga siya, halata ang pagkadismaya. “Okay, five minutes. I’m giving you five minutes only,” aniya saka tumalikod at naglakad patungo sa malaking kama. On his way, he took off his long sleeves, allowing me to admire his broad shoulders and well-toned back. I feel weak just looking at his magnificent figure. Bago pa man siya makalingon ulit sa akin ay nagmamadali na akong pumasok sa banyo na naroroon. Napanganga ako pagkakita sa banyo. Really? Mas malawak pa ito sa kwarto namin ni Jean! The room is decorated with flower arrangements and artwork. And everything in this place is spotless! Napatingin ako sa mga toiletries na naroon. Mabilis akong nagtungo sa toilet. Ngunit pagbaba ko ng underwear ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. A red spot. Kaya pala sumasakit ang puson ko kanina? And I felt something wet in my undies. May suot naman akong panty liner pero hindi sapat iyon! So, my period decided to pay me a visit at this time. Napakagat-labi ako pagkaalala kay Walter. My gosh! How will I tell him I have my period without pissing him off? Sigurado akong magagalit siya! Naghanap ako ng pads sa mga gamit na naroon pero bigo ako. Sh*it! I have no other choice but to tell him. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng banyo. Inilibot ko ang mga mata sa malawak na kwarto at natagpuan ko siya na nakaupo sa gilid ng kama. Wala siyang damit pang-itaas at nakatungo siya habang nakatuon ang atensyon sa kaniyang cellphone. He looks incredibly sexy! Bigla ay nag-angat siya ng tingin at wala sa loob na napaatras ako sa gulat. Sa ginawa ko ay tumama ang kamay ko sa pinto ng banyo. Bakas naman ang pagtataka niya sa naging reaksyon ko nang sulyapan ko siya ulit. “Walter..I..I..” Hindi ko malaman kung paano sisimulang magpaliwanag sa kaniya. Nakita kong nakataas ang mga kilay niya na naghihintay ng susunod kong sasabihin. Napalunok ako ng laway. “I had my period,” lakas-loob na sabi ko sabay iwas ng tingin. Inaasahan ko nang magagalit siya pero sa halip ay wala akong narinig na salita buhat sa kaniya kaya sinulyapan ko siyang muli. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya. Namataan kong gumalaw ang adams apple niya bago nagsalita. “Are you serious?” his voice is dangerously calm. “Y-Yes. S-Sorry—” “Are you playing me, Loraine?” mapanganib na tanong niya. Lalo akong napasiksik sa pinto ng banyo nang tumayo siya at naglakad papalapit sa akin. “W-Walter, I’m telling the truth.” Gosh! Paano ba mapapaniwala ang lalaking ito na hindi ko siya pinaglalaruan? Halos mangatog ang tuhod ko nang nasa harapan ko na siya. “You must convince me. I require proof,” seryoso niyang sabi. Napanganga ako sa narinig. Seryoso ba siya? Paanong proof? Nakita ko naman ang nakakaloko na niyang tingin sa akin. This man is unbelievable!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD