PROLOGUE
Maingat akong bumangon mula sa kama at dinampot ang nagkalat na damit sa hotel room na iyon. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa pagitan ng aking mga hita.
Sh*it ang hapdi!
Sinulyapan ko ang lalaking natutulog sa kama. Nakadapa siya at walang saplot. His gorgeous body is on full display.
Dahil ba sa katawang iyon kaya ako nagpadala sa kaniya?
I shook my head as images of our last night's lovemaking ran through my mind. Wala na. I'm not a virgin anymore. At ang lalaking pinag-alayan ay kagabi ko lang nakilala. He said his name is Walter. Napakagat-labi ako nang maalala ang dating kasintahan.
Gio broke up with me six months ago. Dalawang taon din kaming magkarelasyon. Pero sa loob ng dalawang taon, hindi ko nagawang ibigay sa kaniya ang p********e. At iyon ang dahilan niya kaya niya ako iniwan. Lalaki siya, aniya. And he has needs. Needs that I am unable to meet.
“Leaving already?” I heard the man’s husky voice. Nagising na pala siya.
“Y-Yes,” nauutal na sagot ko. Pinilit kong takpan ang hubad na katawan habang pinupulot ang damit. Bumaling naman siya sa akin, not minding that I can see his naked body.
“You sure?” tamad na tanong niya.
Tumango lang ako. Tamad na tumayo siya at lumapit sa akin. “I don't mind if you stay for a little while.”
“N-No. I have work to do,” tanggi ko.
“Okay,” aniya matapos niya akong titigan. Pinulot na rin niya ang mga nagkalat na damit. “By the way, don’t expect a call from me,” aniya habang isinusuot ang pants niya.
Napatigil ako sa ginagawa. Napakunot ang noo ko sa narinig.
Ano daw?
Napansin niya sigurong nagugulohan akong nakatulala sa kaniya kaya nagsalita siyang muli. “Baka mag-expect ka dahil kaibigan ko si Eddie. Let me set the record straight: I don't do relationships, and I don't f**k the same woman twice,” aniya na ang tinutukoy na Eddie ay ang boyfriend ng matalik kong kaibigan.
Nagpanting ang tainga ko at nanginig ang mga kamay. What a jerk!
“How dare you!” sigaw ko sa kaniya.
However, he looked unaffected by my anger. “I'm sure you've heard of the term fling by now. Last night, I made it perfectly clear—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang ipinadapo ko sa pisngi niya. Nagsisilakbo ang dugo ko sa lalaking ito! Hindi ko na naintindihan kung paano kong naisuot ang damit. Nangilid ang luha ko sa galit. Ang masakit lang, siya ang nakauna sa akin.
“Ang sama ng ugali mo! Makarma ka sana! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin!” sigaw ko.
Nagkibit-balikat lang siya habang hawak ang pisngi. Mukhang hindi niya yata expected na sasampalin ko siya.
“I'll make certain that I don't see you again. And even if I did, I doubt I'd recall your face,” seryosong sagot niya.
Hinahapo ako sa galit at halos maiyak na ako pero pinigil ko iyon. Hindi ako iiyak sa harap ng lalaking ito! Gwapo pa naman sana, kaya lang ay saksakan ng kayabangan! Gustong gusto ko siyang saktan, ngunit imbes na patulan siya ay mabilis kong tinungo ang pinto ng hotel na iyon ay pabalyang isinara.
Dala ng galit at sama ng loob ay hindi ko na namalayan ang pag-agos ng luha ko noong hindi ko na siya kaharap.
Makarma ka sanang bwisit ka!