Janice's POV Lumipas ang ilang araw. Habang si Kiel ay hinahanda ang sarili at lahat ng dapat ayusin para sa kaniyang pag-alis, ako naman ay mas naging abala sa paghahanda para sa exhibit. Mula sa decorations, guests, invitations, catering at media. Everything is good and fixed. Habang tinitingnan ko ang buong kapaligiran ay hindi mapigilang mapangiti, para ngang gusto ko pang maiyak. Finally, natupad na ang pangarap ko bilang isang artist. Ang makabuo ng isang exhibit kung saan maibabalandra ko ang aking mga likha. "This is beautiful, Janice." Buong gabi ko na yatang naririnig ang mga 'yan galing sa mga taong humihinto sa isang space para lang titigan ang gawa ko. Karamihan din sa ilang art ko ay binili na ng ilang mga guest. Ang ikinatuwa ko pa ay hindi ko naman kilala nang personal a

