Janice's POV Nagpapahinga na si Uncle sa kuwarto niya. Oras na rin kasi ng siesta nang dumating ako, kaya naman pinabayaan ko na siyang magpahinga. Para lumanghap ng sariwang hangin ay nagpasya akong magtungo may pool area ni Uncle. Bukod sa garden ay marami rin ditong halaman kaya naman masarap at malamig ang simoy ng hangin. Iginala ko ang mga mata ko upang tingnan ang kagandahan ng parte ng mansion na ito, nang tumigil ang paningin ko kay Samael na ngayon ay nagkakape't nakaupo sa isang silya. Naalala ko nanaman ang sinabi sa akin ni Uncle kanina. Mukhang malaki nga ang tiwala niya kay Samael, kaya kung ano man ang aasikasuhin ni Kiel sa Pilipinas ay handa siyang ipagkatiwala iyon kay Samael. Wala naman kaso sa akin iyon. Ngayong aalis ng bansa si Kiel ay mas makakapag-focus ako

