Janice's POV Lumipas ang tatlong araw at kinakailangan na ngang umalis ng bansa nina Kiel? Sa loob ng tatlong araw ay hindi naging masyadong naging abala si Kiel? Ang sabi niya ay sadya niya raw iyon para makapaglaan na muna siya ng oras kay Uncle at lalo na sa akin. Medyo nakalulungkot dahil nasanay na kaming laging magkasama, pero kapag napag-uusapan namin ang pag-alis niya ay parati niyang sinasabing saglit lang iyon, basta susunod kaagad ako. Sumasang-ayon na lang ako kahit na nalulungkot pa rin ako dahil alam kong mami-miss ko siya, dahil wala naman akong magagawa. Klaro na ang plano. Hahanapin niya ang anak ni Uncle, ite-train niya, aasikasuhin din niya ang business ng pamilya niya at ang plano niyang itayong branch ng telecom business niya. Matapos ay susunod ako kapag handa na ang

