Chapter 37

1557 Words

Janice's POV May isang oras na yata akong nakatulala sa sala magmula nang iwan ako ni Samael. Nasa isipan ko pa rin ang anyo niya kung saan kitang-kita ang pagkadismaya at sakit na dinulot ko sa kaniya. Hindi ko siya masisi dahil maski naman ako ay alam na mali ang naging desisyon ko. Naging makasarili ako at hindi na muna siya inisip bago umoo kay Dad. Nasasaktan ko tuloy siya, na ngayon ay dahilan din kung bakit nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay nanumbalik ang takot ko noon nang marinig ko ang balita tungkol sa mga sundalong ipinadala ng presidente ng America sa gyera. Ang takot na baka mawala siya sa akin ay bumabalot sa puso ko. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang bigat niyon. Bumuntong-hininga ako at tumayo. I shouldn't just stay here and wait for nothing. I have to talk to him and

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD