Janice's POV Tahimik lang akong nakatanaw sa nagliliitang bahay na nasa ibaba ng burol. Pati ang mga building na may kalayuan pero kitang-kita pa rin sa taas nito. Bukas na ang ilang ilaw kahit hindi pa naman ganoon kadilim. Kulay kahel na ang kalangitan gawa ng malapit nang paglubog ng araw. Hindi ko na madama ang init ng araw nakasandal ako sa malaking puno. Ang malakas na hampas na lang ng hangin ang dama ko na pakiramdam ko ay dumadagdag sa bigat ng loob ko. Pagkagaling sa bahay ni Uncle ay rito na ako dumiretso. Gusto ko sanang umuwi kaso alam ko namsng galit sa akin sina Daddy. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanila ang mga alam ko, o kung tama nga bang sabihin ko pa. Lalo lang magkakagulo. Hindi ko rin alam kung paano ako uuwi sa bahay ni Samael matapos naming magkasagu

