Janice's POV Tahimik lang kaming nakaupo sa sofa ni Samael, kung saan nakapuwesto sa veranda. Tanaw namin ang hardin na hanggang ngayon ay naroroon pa rin. Mas mabulaklak lang at may mga puno na. Matapos nang nangyari kanina sa kaniyang silid ay pareho na lang kaming nanahimik. Although alam namin pareho na may kailangan pa kaming pag-usapan, kaya naman hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami kahit na walang nagsasalita. Bumuntong-hininga ako at binalingan siya. Nakasandal lang siya sa backrest ng long sofa habang nakatitig sa kape na tinimpla ko kanina para sa kaniya. "Why did you throw it away?" halos hangin kong sabi dahil sa bamamara sa lalamunan ko. Mula sa kaniyang mug ay napatingin siya sa akin nang hindi inaalis ang pagkakapuwesto niya. Tiningnan niya lang ako at hindi um

