Janice's POV "In fairness, he's hot to whatever clothes he wore," sabi ni Candice habang nakatanaw kay Samael na ngayon ay kasalukuyang nasa gilid ng pinto, nag-aala security guard ng gallery. Aaminin ko na oo nga't ang guwapo niya sa anggulong kitang-kita sa kinapupuwestuhan namin. Kahit na nakababa ang sunglasses niya at halos hindi makita ang buo niyang mukha, kitang-kita naman ang magandang tabas ng jawline nito at matangos na ilong. Kung wala lang akong boyfriend ay ipagmamalaki ko na kay Candice na minsan ko na siyang nahagkan o higit pa, pero siyempre respeto sa relasyon namin ni Kiel, hindi ko na dapat ipagmalaki pa ang ex ko. Hindi ko naman siya sinama dahil gusto kong makipag reminiscing sa kaniya, lalo na ang ibalik ang dating sa amin! No! Gusto ko ng closure na kahit kai

