Janice's POV Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Hindi pa ako nakadidilat ay napangiti na ako nang maramdaman ko ang may kabigatan na brasong nakayakap sa baywang ko mula sa likuran ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam ko na kaagad kung sino iyon. Marahan akong gumalaw at umikot paharap sa kaniya nang hindi inaalis ang pagkakayakap niya sa akin. Nadama ko kaagad ang malalim niyang paghinga na tumatama sa mukha ko. Nakapikit siya pero kitang-kita pa rin ang kagandahan ng mga mata niya dahil sa mahahaba niyang pilik-mata. Ang tagal na nang huling beses kong natitigan siya habang natutulog. It was once my comfort zone, and now I'm with him again, watching him sleeping while I'm in his arms. Ilang minuto ko siyang pinagmasdan sa ganoong puwesto, bago ko naisipan nang bumangon up

