Janice's POV "Hindi ka na sasabay sa akin?" tanong ni Kiel nang samahan ko siya palabas ng bahay ni Uncle. Gabi na at balak na niyang umuwi. Aasikasuhin pa niya ang ilang bagay sa kompaniya nila rito sa Pilipinas kaya kailangan pa niyang magpahinga. "Si Sam na ang maghahatid sa akin," sabi ko habang nakahalukipkip. Tumango siya at bahagyang ngumiti. Humugot ako ng malalim na hininga nang harapin ko si Kiel, kaya naman nakapamulsa siyang natigilan. "Si Janella?" Isang pangalan lang ang binanggit ko pero nagdulot kaagad iyon ng kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata. Nang mag-usap sila ni Uncle ay humingi sila ng privacy, at sa buong oras na magkakasama kami ay hindi na nila binuksan ang topic tungkol kay Janella. Kaya naman wala akong alam sa napag-usapan nila. Sabi lang ni Samael sa a

