Janice's POV Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatulala sa hangin. Pagkarating ko kanina sa bahay ni Kiel, nang ihatid ako rito ng driver niya, ay saglit lang akong nakipag-usap kay Suzanne nang salubungin niya ako. Hindi kami ganoon ka-close, civil lang kami sa isa't isa at may respeto, pero 'yong bonding? Hindi. Alam ko namsn kung bakit. Iyon ay dahil alam niyang pamilya lang namin ang nagpasya ng kasal, kaya naman pakiramdam ko ay hindi niya ako tanggap, dahil hindi rin siya sang-ayon sa fix marriage. Iyon nga lang, kagaya ko ay wala na rin naman siyang nagawa dahil pumayag na si Kiel sa offer ni Daddy na tulungan ang pamilya nila. Pagkatapos ng small talk namin ni Suzanne ay inihatid niya na ako sa kuwarto ni Kiel. Bandang tanghali pa niyon, at ngayon ay halos madilim na a

