Janice's POV Magmula nang dumating ako sa Pilipinas, naging routine na namin ni Kiel na susunduin niya ako pagkagaling niya sa trabaho. Buong araw kasi ako lagi sa bahay nina Uncle. Wala sa Pilipinas ang magulang ko kaya naman hindi rin ako pumupunta sa mansion namin. Iyong totoo? Hindi na ako malapit sa bahay na iyon. Siguro kasi dahil kahit doon ako lumaki, malamig naman sa akin ang magulang ko, kaya hindi ko rin maramdaman ang importansya ng isang tunay na tahanan. Kaya nga para sa akin ay ang Los Angeles ang naging tahanan ko, dahil doon ko naramdaman na masaya ako. Na malaya ako. Hindi kagaya noong nasa Pilipinas ako, lahat ng gusto nina Mommy ay hindi ko maaring tanggihan. Sunod-sunuran lang ako sa lahat ng gusto nila. Siguro kaya natutunan kong maging malaya ay dahil sa culture ng

