Janice's POV Akala ko nang makatulog ako ay lumipas na ang sakit na dulot sa akin ng pag-amin sa akin ni Kiel. Pero madaling araw nang magising ako at nadama ko ang yakap sa akin ni Kiel, hindi ako makaramdam. Nanlalamig ako at pinuno ng kalungkutan ang puso ko. Tahimik ang iyak ko sa gabing iyon. Gustong-gusto kong alisin ang kung anong pumipiga sa puso ko, pero hindi ko magawa. Nakatulog ako dahil sa sakit ng ulo dala ng pag-iyak ko. Kinabukasan ay nagising ako nang nakaalis na siya. Nagkulong ako sa kuwarto sa araw na iyon at hindi nagpunta sa bahay ni Uncle. Tumawag na lang ako sa kaniya para sabihin sa kaniyang may online meeting ako, kahit na wala. "Excuse me, Mr. Williams, may kailangan pa po ba kayo?" narinig kong sabi ni Samael mula sa kabilang linya. Napabuntong-hininga ako at

