Chapter 28

2981 Words

Janice's POV Kinaumagan ay maagang kinailangang umalis ni Samael para puntahan si Uncle, kaya naman sinabay niya na ako para maihatid sa bahay namin. "Are you sure you're ready to see them?" tanong niya habang sinisimulan ko nang tanggalin ang seat belt ko pagkahinto ng sasakyan sa harap ng mansion. Binalingan ko siya at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, habang parang hindi mapakali ang kamay na nasa manubela pa rin hanggang ngayon. Alam ko ang pinag-aalala niya. Kahapon ko pa sinasabi sa kaniya na hindi pa ako handang kausapin sina Daddy tungkol sa breakup namin ni Kiel. Noong isang araw kasi ay basta na lang akong umuwi rito dala ang mga gamit ko, at nang tanungin nila ako kung bakit ako lilipat ay basta ko na lang sinabi na hindi na matutuloy ang kasal. Sa mga oras na ito a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD