Chapter Two Janice's POV Gising na 'ko pero hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko. Masakit pa ang ulo ko at alam kong gawa iyon ng alak na ininom ko kagabi. Mataas ang tolerance ko sa alak pero hindi pa rin mababago na may epekto pa rin ito sa akin. Kinapa ko ang bedside table para sana i-check ang cellphone ko, pero wala iyon sa kaliwa ko kung nasaan dapat iyon nakapuwesto, kaya napamulat na ako nang hindi oras. Nilibot ko ang paningin ko. Wooden style room. It's not my own room or Kiel's. Kahit na masakit pa ang ulo at parang babaliktad ang sikmura ko ay pinilit ko pa ring bumangon habang nililibot ang paningin ko. Magkahalong brown, white at black ang makikita sa mga kagamitan hanggang sa pader, kisame at lapag. Sa malapit sa pinto ay may lalagyan ng mga sapatos, dahil

