Janice's POV Parang hinahalukat ang ulo ko sa sobrang sakit. Hindi ko maimulat ang mga mata ko sa pagkahilo. Maling-mali na uminom ako kahit alam ko namang hindi ako sanay. Mild lang ang ininom ko pero ang lakas ng tama sa akin. Tumagilid ako ng higa habang nakahawak sa ulo ko, umaasang mababawasan ang sakit niyon. Natigilan lang ako sa paggalaw nang may matamaan akong... Braso? May kasama ako? Napamulat ako at tumambad sa akin ang isang lalaking nakadapa pero nakabaling ang ulo sa akin. Mahimbing ang pagkakatulog niya habang nakabaon ang pisngi sa puti niyang unan at nakapailalim ang kamay niya roon. Kahit na medyo magulo ang buhok ay fresh pa rin siyang tingnan dahil makinis ang fair color niyang balat. Nag-init ang mukha ko nang ma-realize kong wala siyang damit, at kahit hindi ko

