Chapter 45 Janice’s POV “Are you sure na sasama ka sa amin ng daddy mo sa LA?” Natigilan ako mula sa pag-aayos ng gamit ko, pero hindi nagtagal ay tahimik akong tumikhim at muling nagpatuloy sa pagkuha ng ilang mga damit sa closet ko para ipasok sa luggage na dadalhin ko. It was three day ago when the last time I saw Samael and officially broke up with him. Pagkauwi ko sa bahay noong araw na iyon ay sinabi sa akin nina Daddy na pupunta muna silang LA at imbes na pagkaabalahan ang mga gulo ng pamilya namin ay magfo-focus na lang daw sila mga business namin sa LA. Nang sabihin nila sa akin iyon ay alam kong hindi nila ine-expect na sasama ako sa kanila. Alam nilang ayokong malayo pa uli kay Uncle, at alam din nilang may boyfriend ako rito. Basang-basa ko sa kanila ang pagkagulat nang s

