Janice's POV Bagot na isinandal ko ang ulo ko sa backrest ng upuan. Nakailang silip na ako ng oras sa cellphone ko pero wala pa rin si Daddy. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan habang nakatanaw sa malapad at mataas na gate na pinasukan niya, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nilalabasan. Pumikit ako nang muling umulit sa pandinig ko ang mga sinabi sa akin kagabi ni Daddy. Noon daw na sumama sa kaniya si Sanda, ang kabit niya, ay naaksidente ito na naging dahilan ng pagkakalumpo nito. Iyondaw ang dahilan kung bakit hindi na nakapagpakita o paramdam si Sandra sa pamilya niya, dahil natakot daw ito na kapag nalaman ng ama nito ang kalagayan nito ay wala nang magawa si Sandra kapag kinuha ito ng ama nito. Natatandaan kong nabanggit nga sa akin ng ama at kapatid ni Samael na noong u

