Janice's POV Tahimik lang akong nakahiga sa kama ko at nakatulala sa kung saan. Ilang araw na akong nakakulong sa kuwarto ko. Hindi ako lumalabas at kumakausap ng kahit sino. Hindi rin ako kumakain masyado. Dinadalhan lang ako ng pagkain ni Manang Sindy. Ilan beses niya akong sinubukang kausapin pero hindi lang ako umiimik. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Para akong masisiraan ng bait sa sobrang dami ng laman ng utak ko. Sa sobrang dami ng emosyon ng nasa sistema ko. Pumikit ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Palagi lang akong nakatalikod sa pinto habang nakahiga, kaya naman madali sa akin na iwasang kausapin ang kung sino man na papasok sa kuwarto ko. Sa katunayan ay napakabigat na ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa parati kong paghiga o dahil sa ilan beses ko

