Simula nang masagip ako nina Mother Evelyn ay hindi na nila ako pinayagang pumunta rito sa isla. Hindi raw maganda para sa sitwasyon ko. Hindi maganda ang paulit-ulit na sakit ng aking nakaraan.
Kahit naman hindi ako bumalik dito ay maaalala ko pa rin ang lugar. Maaalala ko pa rin ang kapatid kong nakasamang nanirahan ng isang buwan dito sa isla.
Pinasadahan ko ng tingin ang lugar. Gano'n pa rin ang paligid. Masukal pa rin. Walang pinagbago. Ngunit, sagana ito sa iilang prutas, tulad ng niyog na maaabot lang. May iilang saging din na hindi ko alam saan galing at kung sino ang nagtanim.
Napabuntong-hininga ako nang isipin ang sinapit namin noon. Napakahirap ngunit napatunayan ko na matapang at malakas akong tao. Nakaya kong mag-isa at mamuhay ng walang mga magulang. Nakaya ko– namin ni Mutya.
Hinakbang ko ang mga paa papunta sa lugar kung saan tinayo namin ang munting bahay-bahay rati para lang may masilungan kami tuwing umuulan. Alam kong wala na ito dahil sa tagal na ng panahon ngunit gusto kong gunitain ang lugar na iyon. Ang alaala ng aking katapangan at... pati na rin ng kapatid ko.
Pagdating ko roon ay laking gulat ko nang nakitang may maliit na kubo na nakatayo. Gawa sa kawayan at anahaw ang bubong. Maganda ang pagkakagawa pero sa tingin ko ay hindi naman katagalan at bago pa. Simple, ngunit parang pwedeng tirahan.
Kailan pa may naninirahan dito? Ibig sabihin, may nakapunta na rin dito maliban sa akin?
Hindi naman imposible iyon dahil hindi naman nag-iisa sa gitna ng karagatan itong isla pero hindi ko pa rin maiwasang magulat at mamangha.
"May nakatira na kaya rito?" nagtataka kong tanong sa sarili.
Wala sa sarili ay pumunta ako sa kubo. Mukha namang walang tao dahil wala akong naririnig na kung ano. Sarado rin ang pintuan.
Hinay-hinay kong tinulak ang pinto at hindi ko inaasahang bukas ito. Nag-aalangan man pero kuryuso pa rin ako na makita ang loob, kung ano ang hitsura nito.
Walang kagamit-gamit ang loob at tanging isang mesa, upuan at isang katre lamang ang nakikita ko.
Naisip ko na baka ginawa ito upang may pagpahingahan ang mga mangingisda dumadayo rito.
Puwede rin. Hindi iyon imposible.
Dahil sa maliit lang ang kubo ay nilibot ko ito. Tama nga ang hinala ko, kagagawa lang nito. Halata sa amoy at tindig, pati na rin sa mga kahoy.
Ngunit laking kaba ko dahil sa ibabaw ng higaan ay mga damit na nakapatong. Isang puting polo at pantalon na itim.
May tao!
Paatras na ako at planong nang lumabas dahil baka ma-trespassing ako. Pero napahinto ako nang may matigas na bagay— No... hindi ito bagay. Sigurado ako!
Tao? May tao sa likod ko? May tao akong nabangga!
"What are you doing here?" Malakas at matigas ang boses ng lalaking nagsalita sa aking likuran.
Napatalon ako sa sobrang gulat dahil sa tila isang kulog ang boses niyang dumagundong sa buong bahay. Nakakatakot!
Napalunok ako at hinay-hinay na nilingon siya. Mariin ko pang kinagat ang mga labi at hinarap siya.
"Dios ko!" bulalas ko nang nakita ang nasa likuran.
Dahan-dahan na bumaba ang tingin ko sa may umbok sa ibabang bahagi ng kaharap. Napalunok ako ng ilang beses at tila nanunuyo ang lalamunan ko.
Isang walang damit pang-itaas na lalaki at tanging suot na boxer brief lang ang nakatakip sa bayag niya. Sa palagay ko ay kakaligo lang dahil sa basa pa ang buhok at tumutulong maliliit na butil ng tubig sa matipunong katawan.
Nakapamewang pa itong nakaharap at binalandara ang namumundok na p*********i. Hindi ko na nga nakita ang mukha nito dahil sa kanyang…
Disgusting, Maria! Bakit mo pinupukol ang tingin diyan?
Mayamaya ay narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Miss, it might bite you kung patuloy mo iyang tititigan..." nanunuyang sabi pa ng lalaki.
Tila naman nasabuyan ako nang malamig na tubig at napagtanto na binabastos na ako ng lalaki.
"B-Bastos!" galit na sabi ko sabay lakad palabas ng kubo.
Hindi ko na siya nilingon at patuloy sa paglalakad. Dapat bumalik na rin ako dahil magdidilim na at medyo umiitim na ang ulap, nagbabadyang uulan.
Nasira tuloy ang araw ko dahil sa lalaking ‘yon. Er! Kung bakit mo ba naman tiningnan iyon?
Papunta na ako ng dalampasigan nang hindi ko mahagilap ang bangkang sakay ko kanina.
“Luh! Saan na iyon?”
Hanggang sa natanaw ko na itong nakalutang sa dagat palayo sa dalampasigan.
"Hala! Hoy!" sigaw ko na tila nagtatawag ng tao.
Ano ba itong napasukan ko? Nabastos na nga ako, bumalik pa mag-isa ang bangka. Hindi ko pa mahabol dahil hindi nga ako marunong lumangoy.
Kinuha ko ang cellphone sa bag. Nang tingnan ko ay walang ka signal-signal.
Ano pa ba ang ine-expect ko sa isang isolated na isla?
"Walang signal dito kaya huwag kang mag-expect na makakatawag ka," ani ng isang pamilyar na boses.
Nang lingunin ko siya ay ang nakasuot na ito ng pantalon ngunit nananatiling nakahubad ang bahaging itaas.
"There will be heavy rain. Masyadong maitim ang kalangitan. Sumilong ka na sa kubo bago ka maulanan," paunlak niya na tumitingala pa sa kalangitan.
Ganito naman talaga ang ginagawa ng mga mapagsamantala, kunwari ay nagpapaunlak ang mga ito tapos…
I shook my head. Huwag naman sanang may masamang mangyari sa akin dito
Kung sasama ako, baka ano ang gawin niya sa akin. Oo, gwapo siya ngunit hindi ako dapat magtiwala.
Nagsisisi tuloy ako bakit pumunta pa ako rito.
"I already offered my hut. It's already up to you," sabi niya sabay talikod.
Hindi pa rin ako umimik. Kahit dito na lang ako sa dalampasigan. Total, nasanay naman ako rati, eh.
Nahalata ko sa pananalita niya na edukado, panay english kasi. Hindi rin ito taga-isla dahil sa makinis na balat kahit medyo kayumanggi ang kulay niya.
Nanatili akong nakatayo hanggang sa naramdaman ko ang hinay-hinay na pumapatak ang malalaking butil ng ulan.
Gusto ko ng maiyak. Dahil una, alam kong hinahanap na ako nina Nanding at Chona. Pangalawa, ayaw kong makasama ang bastos na lalaki na iyon, pero ayaw ko ring maulanan at lamigin.
Nagdadalawang isip man pero kailangan ko ng masisilungan.
May nakita akong matulis na kahoy at dinampot ito. Wala na akong magagawa kung hindi paunlakan ang yaya ng lalaki. Ngunit, kung gagawa ito ng kalokohan ay handa akong makipaglaban.