Kabanata 5

1116 Words
"Kumain ka na, Miss." Sabay tulak ng isang pinggang may lamang pagkain sa aking harapan. Nakaupo ako sa isang bangko at hindi makatingin sa kanya. Hindi ko alam kong maiinis ako o maiilang sa kanya at hindi ko rin kung nag-aalok siya o nag-uutos. Masyado kasing seryoso at napaka-ma-otoridad ng boses ng lalaking ito at wala man lang pagsusuyo sa boses. Nakakayanig! Isang platong kanin at isang pirasong daing. May isang basong tubig din sa gilid. Pagkain niya siguro ito ngunit ibinigay lang sa akin. Fine, I was his unexpected guest. He was a little kind, pero hindi pa rin ito dahilan upang patawarin at kausapin ko na siya. At kanina pa ako sinusungitan ng lalaking ito! Bakit ko naman kasi tiningnan... Ang tinutukoy ko ay ang ibabang bahagi niya na nakita ko kanina. Bakat lang naman pero... Ssssshh, Maria! Tumalikod ako at umupo sa papag. Hindi ko kakainin ang pagkain niya! "Bahala ka riyan! Kung ayaw mo, bahala kang magutom!" Tila siya ang may ganang magalit. Inilapag ng lalaki ang isang karton sa sahig at doon humiga. "Sa katre ka," aniya na humiga patalikod sa akin. But I am not convinced. Parang napipilitan lang siyang ibigay ang higaan niya. "Huwag! Sa papag ako, sa katre ka," tugon ko sa kanya. "Kahihiya naman sa 'yo at magkaka-utang na loob pa ako," dagdag ko na pabulong ang pagkakasabi. Subalit, tila narinig ng lalaki ang huling sinabi ko at umupong umiling-iling. "Ibang klase ka rin, ano? Ako na nga itong nagmamagandang-loob." Ay hala! At nanunumbat pa. "Pasensya na, mister ngunit hindi ko po hinihingi ang pagmamagandang-loob niyo," pilosopong sagot ko sa kanya. "Miss, it's not my fault why you saw it... like that. You stared at me, rather at my..." Nanlaki ang mga mata ko at pinandilatan siya. Napaka-balahura ng lalaking ‘to! Kung gaano siya kaguwapo, gayon din kapangit ang ugali! "Mister Masungit, kung wala kang respeto sa babae, manahimik ka na lang." Gusto kong sigawan ang lalaking ito ngunit hindi ako ang tipong namumulyaw. Kahit galit na ako ay mahinahon pa rin akong nakikipag-usap— kahit nagtitimpi na ako sa inis. "Ako? Walang respeto? Huh!" Tumayo ang lalaki sa papag at tumungo sa katre. "Matulog ka riyan sa papag, wala naman akong respeto!" galit na hiyaw ng masungit na lalaki at lumipat nga sa katre. Siya pa talaga ang ganang magalit. Wala talagang modo! Dapat ay humingi siya ng sorry sa akin. Tumalikod ang lalaki pahiga habang nakasimagot akong nakatingin sa likuran niya. Hmmmp! Sana bangungutun siya! Bigla na lang naaamoy ng ilong ko ang daing. Nagugutom na ako at natatakam na, lalo sa ulam. I pouted my lips, seeing the food. Tulong-tulo na ang laway ko. Takam na takam! Hinintay ko munang makatulog ang lalaki nang mahimbing. Nang marinig ko ang mahinang hilik niya ay mabilis kong nilantakan ang pagkain. Sa sobrang sarap ay halos mabulunan pa ako dahil sunod-sunod na subo ang aking ginawa. Nawawala talaga ang grace kung gutom na ang isang tao. Matapos akong kumain ay hinila ko ang papag palayo sa lalaki at humiga yakap-yakap ang kahoy na nakita ko kanina. Kung sakaling may gagawin siyang masama ay patawarin sana ako ng Diyos sa magagawa ko... Isang sunod-sunod na tapik sa balikat ang nagpagising sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ay masyado ng tirik ang araw. Umaga na pala? "Bumangon ka na at aalis na tayo," sabi ng lalaki. Aalis? Saan ? Napatingin lang ako sa kanya at iniisip ang sinabi niya. Tila nabasa naman ng kaharap ko ang wala sa sariling isip ko at nakapamewang na humarap sa akin. "Gusto mong umuwi o hindi? Naghihintay na ang bangka sa dalampasigan papunta na sa Napayong Resort. The boat will stop there. Siguro naman ay makakauwi ka na niyan." Napayong Resort? Doon din ang punta niya? Agad akong tumayo at hinarap siya. "Sa Napayong Resort punta mo?" tanong ko. Tumango ang lalaki at tumalikod. "Maghilamos at magmumug ka muna." Geez! Kakagising ko lang pala at nangangamoy panis ang hininga ko. Agad akong naghilamos at nag-ayos. Isinuot ko uli ang salamin na medyo naghahamog pa dahil sa lamig. Nang natapos ay agad ko siyang sinundan palabas at naghihintay nga ang isang malaking bangka. Naalala ko ang bangkang inarkilahan ko. Nasaan na kaya ito? Babayaran ko na lang iyon. May dala naman akong pera na bigay nina Mother Evelyn at manghihiram na lang ako kay Chona pagpunta namin ng Maynila para sa allowance ko. Kasi naman! Bakit pa ako pumunta rito? Dios ko! Si Marco Montefalco! Bigla kong naalala. Baka nando'n na iyon sa resort. First project ko pa naman tapos ngayon, may nangyari pa. Late pa ako! Inilahad ng lalaki ang isang kamay upang tulungan akong makasakay sa bangka pero mas pinili kong pumanhik mag-isa. Ayaw kong madagdagan ang utang na loob ko sa kanya. Napakaantipatiko pa! Nakita ko siyang nagkibit-balikat na umiiling at sumakay na rin sa bangka. Wala kaming imikan hanggang sa makadaong ang bangkang sinasakyan namin. Napangiti ako nang nakitang naghihintay sa dalampasigan sina Chona at Nanding. Kasama rin nila ang babaeng nagpakilala na secretary ni Marco Montefalco. Nanlaki ang mga mata ng dalawa. Hindi ko alam bakit, pero baka akala nila kung ano na ang nangyari sa akin. "Okay lang ako," sabi ko pa sabay yugyog sa balikat ni Nanding na nanatiling nakatulala. Gulat na gulat at palipat-lipat pa ng tingin sa akin at sa likuran ko ang dalawa. "M-Magkasama kayo bu-buong gabi?" nauutal na tanong ni Chona. "Sino?" Lumingon ako sa nginunguso ng bakla. "Iyang masungit at bastos na lalaking iyan? Ano pa? Kung may choice lang sana ako," sarkastiko na sabi kong pabulong sabay iling. "H-Hindi niya alam pinagsasabi niya, bes," tugon ni Nanding na tila ba nakakita ng multo sa gulat. "Sa tingin ko rin." Si Chona. Labis ang pagtataka ko sa inasal ng dalawa. Parang mga wala sa sarili ang mga ito. May sasabihin pa sana ako nang may nagsalita sa likuran ko. "Ah, Sir Marco, they're the staff of Samaniego Publishing house and they will also take over para sa magazine n'yo po. Miss Chona Samaniego, kapatid din po siya ng may-ari ng advertisement agency na pinaplano ninyong tawagan. Nanding, her staff and the writer who'll write the article for you, Miss Maria Costa," pagpapakilala ng secretary ni Sir Marco. Nang lingunin ko upang makita ang Sir Marco na iyan ay hindi ko alam kung nananaginip ako o namamalik-mata. Ang lalaki sa isla ang nakaharap ko! Nakakalokong ngumingiti at inilahad ang kamay sa aking harapan. Siya si Marco Joseph Montefalco? "Nice meeting you... again, Miss Costa," sabi pa niya na idiniin pa ang pangalan ko. At para akong nasabuyan ng yelo-yelong tubig sa nalaman. Nanlalamig ako sa kaba at takot. Marco Montefalco...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD