Halos hindi ako makapagsalita at nakatitig na lamang sa nakalahad na kamay ni Sir Marco. Gusto kong abutin iyon pero para akong nababato ang buo kong katawan sa sobrang kaba. Tila ba, nasakluban ako ng dalawang bangka at hindi makaalis doon.
Nananaginip ba ako? Totoo ba ito? Sana kung panaginip ay magising na ako dahil baka bangungutin ako.
Siniko ako ni Chona dahilan ng aking pagkagulat. I was dragged into reality. Ang taong nambastos sa akin ay ang taong makakatrabaho ko. Ang taong kauna-unang project ko. At ang taong pwedeng magbukas ng bago kong career. Ngunit…
Dios ko!
Binastos niya ba ako? Ayan na, nagdadalawang isip na tuloy ako. Kahapon lang ay sigurado ako sa iniisip at kahit wala namang ginawa ang lalaking 'to-- Si Sir Marco, at nagmagandang-loob pa ay pinagsisiksikan ko pa ring binabastos niya ako.
Nang aakmang tatanggapin ko ang pakikipag-kamay niya ay agad ding binawi ni Sir Marco ito at umalis.
Ang sungit naman talaga...
"I need to talk to the owner," ma-otoridad pa na sabi ni Sir Marco at hindi man lang talaga pinaunlakan ang pakikipag-kamay ko kaya naiwan ang kamay ko sa ere.
Nahihiya kong ibinaba ang kamay. Napahiya ako sa kanya--- sa lahat, kaya hindi ko alam kong maiiyak ako.
Agad-agad ding sumunod si Chona, habang naiwan pa rin akong tulala at gulat na gulat.
Pumanhik kami sa kwarto at doon ikinwento ko ang nangyari.
"Dios ko! Akala ko ginahasa ka ni Sir Marco! Ay, 'day! Ikaw na ang maswerteng mare-rape," maarteng komento ni Nanding.
“Kailan pa naging maswerte ang ma-rape, Nanding,” nguso ko sa kanya.
"Pero paano kaya ano, kung ako lang ang nag-iisip nang hindi maganda?" sabi ko pa na napaisip lalo sa tinuran ko.
Paano nga talaga kung ako lang ang nago-overreact? Na wala namang ibig iparating talaga si Sir Marco?
Nasapo ko ang ulo. At nakita iyon ni Nanding.
"End of career! " panunukso pa niya.
Huwag naman sana. Wala pa nga akong nasisimulan, tapos na agad?
Bumukas ang pinto at bumungad si Chona sa amin. Hindi maganda ang templa ng mukha niya kaya mas lalo akong kinabahan. Baka nadamay ang project dahil sa akin.
"Hoy! Ano ang nangyari sa mukha mo, bes? Hindi na nga maganda ang hitsura niyan. Mas lalo lang hindi na nahitsura," pabirong komento ni Nanding.
May kalakihan kasi ang dalawang harapan ng ngipin ni Chona, medyo kalakihan din ang mga mata niya at malaki rin ang hugis ng noo. Puro malaki sa kanya. Ngunit, mas malaki ang puso, na kahit mayaman ay nagawa pa niyang makipagsabayan sa sa amin. Mabuti rin siyang kaibigan. Huwag nga lang kakalabanin.
Nagtataka nga ako bakit hindi niya magawang ipaayos ang mga ngipin gayong kaya namang gastusan iyon.
"Ano'ng gusto niyong unahin? Bad news or good news?" tanong pa ni Chona at umupo sa dulo ng kama, hindi na nga niya pinansin ang pang-aasar ng kaibigan namin.
"Ay, may gano'n?" gulat na balik-tanong ni Nanding.
Napatingin ako kay Chona. May good news naman, bakit tila labis ang pagkaka-asim ng mukha niya?
"Good news!" Si Nanding na ang nagsalita.
"Sir Marco wants us to cover his two projects here. The Napayong Resort and his biography. So, mag ste-stay ang team dito ng one or two weeks. Tinawagan ko na rin ang team ni Gelo para sa advertisement at bukas ay nandito na sila," mahabang sagot niya.
"Wow! That's great!" bulalas ni Nanding at tila parang batang pumalakpak.
"Eh, ang bad news?" nakangiti kong tanong.
Bad news siguro, pero hindi naman siguro worst.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at malungkot na ngumiti. "S-Sir Marco wants you out in the projects. Gusto niya iba ang magsulat. Kung gusto mong sumali sa team, okay lang. Pero sa pagsulat ng article sa kanya ay ayaw niya. Ayon sa kanya, ayaw niyang may maka-trabaho na pinag-iisipan siya nang masama. Kaya si Nanding ang magha-handle ng article niya."
Hindi ako naka-react agad. Parang hindi totoo ang naririnig ko. Tila nabingi ako sa sinabi ni Chona.
First project ko ito, eh...
Dinaluhan din ako ni Nanding. He tapped my shoulder to comfort me. At least, may project pa rin kami.
Sinandal ng kaibigan ko ang baba sa aking balikat. "Hey, it's fine," nakangiti kong sabi.
Ayaw kong kumurap dahil sa isang pikit lang ay tutulo na ang mga luha ko. Ang bilis ko pa namang umiyak.
"Girl, marami pa naman tayong projects sa Maynila," alo ni Nanding.
Tumango ako at nagpaalam na lalabas muna at magpapahangin. Medyo mabigat pa rin si dibdib.
Kung tutuusin ay okay lang naman dahil hindi naman ako nawalan ng trabaho. Pero first time ko ito. Parang masakit lang dahil sinubo na sa akin, naluwa ko pa. Sayang na sayang.
"Uuwi na muna ako," sabi ko sa sarili.
Pinapahid ko ang mga luha nang tumabi sa akin si Chona. Puno ng pag-aalala ang mukha ng aking kaibigan.
She was a very good friend. A sister-like to me.
"Uuwi na muna siguro ako Chona," anas ko.
"After your project here, saka ako susunod sa Maynila. Tiyak na matutuwa sina sisters 'pag umuwi muna ako," nakangiting sabi ko. Pilit ko lang pinapagaan ang bigat sa loob.
Umiling siya.
"No, you need to stay," sagot niya.
"I need you here. Baka magkulang ng tao," dagdag ni Chona.
"Pero baka umatras si Sir Marco if nandito ako. Galit siya sa akin. Pine-personal niya iyong nangyari sa isla," malungkot kong saad.
Napaismid si Chona.
"Then, he's too shallow! Ang babaw ng dahilan niya kung tutuusin. He missed an awesome writer like you na mag fe-feature sa buhay niya." Mapakla pa siyang tumawa.
I hugged her. Ang sarap ng may kaibigan kang katulad ni Chona at Nanding. Laging umaalo sa katulad kong mahina ang loob.
Nagpaalam na rin siya na papasok muna habang si Nanding naman ay abalang nag-iisip ng mga tanong na itatanong mamaya sa interview niya kay Marco Montefalco.
Huminga ako nang malalim. I was thinking if I would stay here or not. Sabagay rin naman, I am out of the project, but then again, empleyado pa rin ako. All I have to do now is enjoy the island. Magkaka-oras din akong makapasyal kina Tatay Isko.
I decided to have a nap. Baka mamaya pagkagising ko ay magiging okay ang lahat. Gagaan ang bigat sa dibdib ko.
Sana nga...