Isang malakas na tili ang pumukaw sa mahimbing kong pagkakatulog. Matapos ng pag-uusap namin kanina ni Chona ay nagsabi akong magpapahinga muna dahil sa sobrang sama ng loob ko.
"Oh, my!" Boses iyon ni Nanding at tila ba may masamang nangyari. Iba ang tili ng aking kaibigan. Tila ba natatakot na nahaluan ng hagulgol.
Agad akong bumangon sa kinahihigaan at tumungo sa maliit na terrace ng kwarto kung saan doon ko naririnig ang tili ng aking kaibigan. Nakita kong naglulundag sa iyak ang kaibigan ko na hawak-hawak ang cellphone.
"Ano'ng nangyari?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Maria, si Pocho..." umiiyak na tugon niya na ang tinutukoy ang kinakasamang boyfriend. Nasa Maynila si Pocho ngayon at kasalukuyang nangangarera ng motorsiklo.
"A-Anong nangyari kay Pocholo?"
"N-Naaksidente ang motor na sinasakyan niya. Nasa hospital siya ngayon!" umiiyak na sagot ni Nanding. Ang tinis ng boses ng kaibigan kong humahagulgol sa aking tainga. Umiiyak siya ngayon sa aking balikat. Ramdam ko ang sakit niya pero 'di ko ramdam na iyakan ang isang lalaki. Marahil, kung isa sa mga pamilya ko ito, baka pa siguro.
Nadatnan kami sa gano'ng sitwasyon ni Chona. Nagtataka siyang nag-usisa at nang sabihin namin ay umalo rin siya kay Nanding.
"He'll be okay, Nanding..." ani Chona sabay hagod sa likod ng aming kaibigan.
"Ano ang gagawin ko kung may mangyaring masama kay Pocho, Chona? Hindi ko kaya!"
Nagkatinginan kami ni Chona at malungkot na tumango. Wala kaming magagawa ngayon kundi aluin ang kaibigan at ipagdasal ang lahat.
Napagpasyahan ni Chona na pauwiin muna ang kaibigan upang makita ang sitwasyon ng kasintahan. Hindi rin ito makakatrabaho nang maayos dahil ang isip nito ay nasa Maynila lang.
Inihatid namin sa daungan si Nanding. Nakakalungkot man na isipin na ang ine-expect na magandang bakasyon ay mapupuno nang lungkot.
Minsan lang kaming magkakasama na tatlo, pero walang oras at sandali na hindi kami masaya at nagkalayo. Ngayon lang.
"Mag-iingat ka, bakla..." ani Chona na yumakap sa kaibigan naming namumugto na ang mga mata sa walang humpay na iyak.
Nang natapos ang kanilang yakapan ay ako naman ang yumakap kay Nanding.
"He'll be fine," pahayag ko pa.
"Sana nga, Maria... sana nga..."
Ang hirap siguro talaga ng ganyang feeling. Iyong tipong nag-aalala ka sa minamahal mo. Kasi ako, buong buhay, simula nang napadpad ako sa puder ng mga madre ay buo ang tiwala ko sa Diyos, ayon sa mga turo ng mga ito sa akin.
"Nakakalungkot naman 'to, Chona..."
Isang buntong-hininga lang ang tinugon ng kaibigan sa akin habang naglalakad na kami pabalik sa cottage.
"Bes," tawag niya sa akin.
Nilingon ko siya. Nakatayo lang si Chona sa likuran ko at malungkot akong nginitian.
"You will conduct the interview with Sir Marco."
Nagulat ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya.
I do not know if it was a request or command. Masyadong seryoso ang mukha ni Chona.
"Huh? Pero ayaw niya na ako ang magsulat," sagot ko naman na dahilan ng pag-ismid ng kaibigan.
"You will not write his article. Interview lang, just to replace Nanding for the meantime. And he doesn't have the choice. You are my staff at wala siyang magagawa. Naka kontrata siya sa atin," mataray at ma-otoridad na litanya ni Chona na ikinrus pa ang dalawang braso sa dibdib.
I knew her for so long, pero ngayon lang siya masyadong seryoso. And I don't want to mess up with her. Iba magalit ang isang Chona Samaniego.
"But-"
"No but for now, Maria. I need you.."
Tinitigan ko lang ang kaibigan at saka marahang tumango. May magagawa pa ba ako?
"Okay, boss," nakangiting sagot ko at sabay na kaming naglakad.
Hindi ko na lang pinahalata na kinakabahan ako sa ideyang iyon. Sa totoo lang, ayaw ko sa ideyang makakaharap muli si Sir Marco. Nahihiya pa rin ako sa kanya at sa pag-iisip nang masama sa lalaking malaking kliyente pala namin. Masyado lang akong ignorante sa lahat kaya 'di ko na iyon naisip.
Hapon na nang tumungo ako sa sariling rest house ni Sir Marco sa mismong resort. Tinatawag nilang White Club ito dahil halos lahat nang indoor games ay nasa loob. May sarili ring bar at swimming pool ang naturang bahay— ayon iyan sa naghatid sa akin na staff dito. Tanging si Sir Marco at ang may ari na si Mr. Grahm ang nakakapasok sa loob at nakakagamit ng club house.
I just knew that Sir Marco was the Head Engineer at isa sa mga investors ng resort na ito. Hindi ko alam na isa na rin pala siya sa mga nagmamay-ari.
"Ang yaman pala niya..." bulalas ko sarili, 'di maiwasang mamahangha.
He was so young, yet he had a lot of projects and businesses. Marami rin daw siyang achievement na nakukuha kay sobrang nakakamangha talaga.
My father was an architect also. May sarili kaming bahay at masasabi kong sagana kami sa pamumuhay. Nakukuha namin lahat. Lalong lalo na si Mutya, na pinakapaborito ng Dad. Ang kakambal kong iyon na busog sa pagmamahal at aruga ni Daddy.
"Dad..." anas ko sa sarili.
Natigilan ako nang naalala ang pamumuhay namin. Noong buhay pa si Daddy, noong hindi pa kami nalayo kay Mommy...
"Hey, my little unicorns!" bungad sa amin ng ama na masayang ibinuka ang mga bisig para mayakap kami.
Nasa gilid kami ng pool at masayang naglalaro ng mga bagong biling manika at barbie dolls niya. Actually, ako lang ang naglalaro, hindi kasi mahilig ang kapatid ko sa mga dolls. Ang gusto niya ay suklay-suklayan, make up at kung ano pang pampaganda.
Sabay kaming tumayo ng kakambal at sinalubong si Dad. May bitbit siyang malalaking paper bags at alam na namin kung ano iyon.
"I have something for my girls!"
Niyakap ko si Dad, habang ang kakambal ko ay ang dalang paper bags agad ang hinarap.
"Wait! Wait!" awat ng ama naming natatawang inagaw ang mga bag sa kapatid ko. Masiyado yatang nanabik ang aking kakambal dahil 'di na nagawang batiin ang aming ama.
He took one bag and gave it to me.
"This is for my sweet unicorn," sabi niya sabay bigay ng isang malaking bag. Nang buksan ko ay isang malaking doll.
Napakagat-labi ako nang makita ang magandang regalo ng ama sa akin.
"Thanks, Dad!" Pinaliguan ko ng halik ang ama sa pisngi. Ang saya ko, hindi dahil sa mga laruan na natanggap, kundi dahil may ama akong maunawain at mabait. Siya ang nagpoprotekta sa aming pamilya at masasabi kong wala kaming pinangangambahan dahil sa kanya.
Bumaling siya sa aking kapatid at ngumiti.
"And of course, to my one and only beautiful unicorn." Hinarap niya ang kapatid ko na tila ba nagpi-pictorial na pa pose-pose habang nagsasalita si Dad.
Binigay ni Dad ang pinakamalaking paper bag at nagulat ang kapatid ko sa laman– isang whole set ng pang batang make-up.
Masayang-masaya ang kapatid ko. Alam ko na mas paborito siya ni Daddy, pero kailanman ay hindi ako nakaramdam ng selos. Mahal ko ang kakambal at ang kaligayahan niya ay kaligayahan ko rin. Sabay kaming isinilang ni Mom, sabay kaming umiyak nang ipinanganak kami, sabay kaming tumawa at naglakad, kaya ano mang ligaya at lungkot na nararamdaman niya, ganoon din ang nararamdaman ko.
Habang masaya naming binubuksan ang mga regalo, napansin ko ang paghawak ni Dad sa dibdib at ang medyo pagngiwi niya. Hinay-hinay na napawi ang aking ngiti at nag-aalalang tiningnan ang ama.
Tinapik ko ang balikat niya na puno ng pag-aalala.
"I'm fine," nakangiting sagot ng aking ama.
Tumayo siya sa kinatatayuan pero nasa kanya pa rin ang aking mga mata. Parang may mali at 'di ko maiwasang kabahan.
Nagpaalam siyang pumasok ng bahay. Saglit ko siyang tinitigan habang naglalakad ngunit pinalis ko iyon sa isip.
I paid back my attention to my toys and happily opened those. Ngunit, parang hindi pa nakakapasok nang tuluyan si Daddy ay narinig ko na ang malakas na sigaw ng mommy.
"Arnold!"