Napahid ko ang luhang namumuo sa aking mga mata nang maalala ang huling sandali na makita si Dad. He was the best father for us, at ang pagkawala niya ay labis na pagkadagdag ng insecurities ng kakambal ko. Tanging si Daddy lang ang kayang pa-amuhin si Mutya. Si Daddy lang ang hindi nagsasawang pumupuri sa kanya.
"Ma'am, nandito na tayo," pagbabalita sa akin ng staff na sumama sa akin para gumiya sa sinasabing white club house ni Marco.
Mahinhin akong tumango at nagpasalamat bago siya umalis.
Napakaganda nga pala talaga ng club house na ito. Sa literal na puting pintura, ang linis at ang kalma tingnan sa mata. Nakakawala ng stress. Marami ring puno ng maliliit na niyog ang nakapalibot. The ground was covered by green bermuda grass, small fountain at the middle and the birds chirping everywhere.
Akala ko maliit lang ang Napayong Resort pero malaki pala ito sa inaakala ko. May mga lugar itong tago at hindi napupuntahan ng mga dayuhan at bisita.
Bumungad sa mga mata ko ang malaking espasyo ng clubhouse. May billiard table itong katabi ng isang wine bar, may hockey table at may sariling karaoke machine pa sa gilid ng pasukan.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nakakagaan ng loob ang nakikita ko. Nakakamangha. Ngunit, agad na napawi ang ngiti ko at napalitan ito ng pangamba na baka, pagtabuyan ako ni Sir Marco.
Hindi naman siguro... saway ng kabilang isip ko.
Ngunit, mas nanaig ang takot at parang mali yata itong aking napasukan. Dapat hindi na lang ako pumayag na mag-interview kay Sir Marco. Pwede namang si Chona na lang.
Iniling ko ang ulo at tumalikod. Sasabihin ko na lang kay Chona na hindi ko kaya. Siya na lang at hindi ko nakita si Marco. Iyon na lang ang gagawin ko. Tama!
"Hey..." Narinig kong may tumikhim sa aking likuran. He intentionally cleared his throat para malaman ko na may tao.
Huli na yata dahil parang nakita na ako, at alam kong si Sir Marco ito.
Hinay-hinay akong lumingon at nakita ko ang swabeng imahe ng isang lalaki. Nakasuot ito ng baby blue color na polo na nakabukas pa ang mga butones at nakabalandara ang nagpapandesal na abs.
Wait... Where did I get that? Kung ano-ano na ang naiisip ko, Diyos ko!
He was gorgeously wearing a cargo short and flip flops. Simple pero elegante. Nakadagdag pa sa kagwapahuan ang shades na suot ng lalaki.
He was so hot! Sinabayan niya talaga ang init ng panahon. Iyon bang literal kang mapapanganga dahil sa kakisigan ng lalaking kaharap mo.
"Miss Costa? Ano ang ginagawa mo rito?" At nagising ang diwa ko dahil sa mala-kulog na boses nito.
Napaka-arogante pa rin niya kahit ang anghel ng mukha. He was not smiling but he looked so humble– sa hitsura nga lang. Kasalungat sa ugali na pinapakita niya ngayon.
"Uhm, pasensya na po. May emergency na nangyari sa Maynila at kailangan na umuwi ni Nanding. Pero huwag kayong mag-alala, Sir Marco, hindi ako ang magsusulat nito. Nandito lang po ako para mag interview," mahaba kong sagot.
Hindi ko alam kung nakatitig siya sa akin o tinataliman ako ng tingin. Nakasuot kasi siya ng itim na sunglasses, kaya hindi ko alam saan nakadako ang mga mata niya. O baka naga-assume lang ako.
"Walang ibang magi-interview?" tanong niya.
Malamang! Kung mayroon lang sana… Pero hanggang sa isip ko na lang ito.
Ayaw siguro talaga akong makita ng Marco na 'to. Bakit ba galit na galit siya sa akin?
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
Nagkibit-balikat siya at tumalikod. Habang nanatili lang ako sa kinatatayuan at naghihintay ng kanyang sasabihin.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nang bigla siyang lumingon at ibinaba ang suot na salamin.
"What are you doing there? Come in," utos ni Marco.
"O-Okay lang na ako ang magi-interview sa inyo?" tanong ko.
He just shrugged and turned back.
"Do I have a choice?"
Er! Sarkastiko!
Agad akong sumunod sa kanya at napunta kami sa isang hardin. Maliit lang ito na may babasaging lamesang nakalagay sa gitna. Maaliwalas at puno ng magandang bulaklak ang paligid. May maliit ding pond na may water lily na nakalutang kaya mas lalong naging maganda tingnan.
"Sit down," mando ni Marco
Agad akong umupo at kinuha ang papel na sinulatan ni Nanding ng mga itatanong. Habang ang aroganteng si Sir Marco ay nanatili lang siyang nakatayo at naghihintay ng susunod na gagawin ko.
Hindi siya nagsusungit, but his presence is very intimidating. Nakakatakot...
"M-Magsisimula na ako, Sir," ani ko.
Nagkibit-balikat lang siya at nakapamulsang hinarap ako.
Inayos ko ang papel na susulatan ko at ang cellphone na naka-set na sa audio recording.
"A-Ano ang dahilan bakit Napayong ang pangalan ng resort?" unang tanong ko, tanong na base sa isinulat ni Nanding. Hindi ko pa maiwasang kabahan at mautal kaya narinig ko ang mahina niyang halakhak.
“Relax, Maria,” aniya kaya agad akong pinamulahan ng pisngi.
"It's Grahm. Siya ang nagpangalan, is that it? At obvious naman yata," diresta at pilosopong sagot ni Marco.
Oo nga naman. Base sa mismong lugar ang pangalan kaya roon din pinangalanan ang resort.
Lumunok ako. Hindi ko alam ang kabang nararamdaman tuwing nagsasalita si Marco.
Hinay-hinay kong binabasa at sinasagot naman ni Marco ang mga katanungan.
"You know what, all the answers to your questions are in the reception," mayamaya ay biglang sabi niya, tila naiinip sa usapan namin.
Mas nailang ako sa masyadong pagka- bossy ng lalaking ito. Lahat ay utos at wala man lang request.
"P-Pasensya na po, kay Nanding ang mga tanong na 'to, binabasa ko lang," sagot ko naman.
He put his hands on his waist. At tila nag iisip. He breathed out a long sigh and held my wrist.
Gulat kong tiningnan ang kamay niya sa aking kamay.
"Come with me..."
Nagtataka kong tiningnan ang kamay niya sa palapulsuhan ko habang naglalakad kami palabas ng bahay.
Mas matindi ang kaba ko ngayon.
"Faster!"
Bakit ba ang hilig niyang mang-utos? Palagi na lang pagmamando ang ginagawa ng isang Marco Montefalco.
Binitawan niya ako nang marating namin ang dalampasigan na malayo sa mga tao.
May nakadaong na speedboat doon. He untied the rope and glanced at me.
"Hop in," he said.
Nagtataka man, pero sumunod ako. Mapagkakatiwalaan naman siguro siya. Nakasama ko na si Sir Marco sa isla rati at taliwas sa unang impresyon ko, hindi naman ako ginawan ng masama ng lalaki.
Nang makasakay ay tinulak niya ang bangka habang nakasakay ako, nang nasa tubig na siya na hanggang binti ay pumanhik na rin si Sir Marco.
He switched on the speedboat, at pinaharurut ito ng takbo. Napahigpit ang hawak ko sa may railings dahil sa bilis ng andar nito.
Kahit nakatalikod, ang gwapo pala niya.
Lumingon siya at nakangising tiningnan ako. Marahil ay natatawa ang mokong na ito sa hitsura kong kapit na kapit sa hawakan.
Napansin ko na lang ay papunta kami sa isla. Sa isla ko rati, na naging isla na ni Marco dahil nabili niya pala ito.
"Bakit tayo babalik sa isla, Sir?" Hindi ko maiwasang magtanong.
Hindi agad siya sumagot at iniliko pa ang manibela ng speed boat na mas pinabilis ang takbo.
"We'll find inspiration.. "
Nakaupo kami pareho sa speedboat na nakadaong sa dalampasigan. He was sitting at the driver's seat habang hindi na ako umalis sa kinauupan.
"Now, ask me and not the stupid questions in your note," sabi pa niya at nilait pa ang mga inihandang tanong ni Nanding.
Napaisip pa ako. Ano nga ba ang itatanong ko? First time kong mag-interview at nakakakaba rin. Hindi pa ako prepared.
"Miss Costa, I brought you here to find an inspiration. Use the nature, use this island," turan niya na imwenestra pa ang isang kamay at tinuro ang islang nasa likod.
Tumango ako.
I paused and spoke up. "Why this... I mean... Why this island? Maraming islang nakapalibot sa Napayong. More progressive and economical. This island is isolated, far from people, from civilization..."
Bakit gusto kong maiyak sa tuwing naaalala ko ang karanasan sa isla. Matagal na ang panahong nakalipas ngunit ang alaala ay nasa puso at isip ko pa rin.
"This... island is alone, so sad and... full of fear, dangerous and far from people," dagdag ko na humihina ang boses.
Napadako ang tingin ni Marco sa likuran kung saan makikita ang kabuuan ng isla. Ang masukal na islang napapalibutan ng mga damong ligaw.
"First, this island is not for business. I want to live here kung tatanda ako," sagot niya.
Alam mo iyong, ang arogante niya kanina ay parang napalitan ng ibang tao. Mahinahon at kahit hindi siya ngumingiti ay nangingislap naman ang mga mata ni Marco habang nagsasalita.
"I came here before. I was around... thirteen that time, way back 18 years ago," sabi pa niua.
18 years ago?
"I met a girl here. She was alone for a week..."
At nagsimula akong kabahan. Maliban sa akin? May iba pa bang napadpad dito labing-walong taon na ang nakakaraan?
"Nakakatawa dahil takot na takot siya sa maliit na ahas." He chuckled upon saying this. At una kong nakita siyang tumawa.
Nagkita na ba kami rati? Bakit hindi ko maalala?
Hindi ko maiwasang magtaka at ikunot ang noo.
"She told me that her mom left her... alone. Imagine, namuhay siya for a week here? What kind of parents she had?``
Ako ba ang tinutukoy niya? I haven't met him before. Bakit hindi ko maalala?
"A-Alam mo po ang pangalan niya?" tanong ko.
Umiling si Marco. "Hindi ko nakuha, pero hindi ko makakalimutan ang batang nagbigay ng inspirasyon sa 'kin sa islang ito. She was tough and brave, kahit takot siya sa maliit na ahas..." aniyang na natatawa pa nang naalala iyon.
Hindi kaya si Mutya ang nakilala ni Sir Marco noon?
"And the most amazing peculiarity about her? She already had the opportunity to come with me that day, nang mailigtas ako."
Napatingin ako sa kanya na seryosong nagsasalita.
"She didn't leave the island because of her sister."
Natigilan ako at nagulat. Kung si Mutya ang nakilala niya noon, bakit hinintay ako ng aking kapatid?
May biglang guilt akong naramdaman. Sa kabila ng lahat, iniisip pa rin niya ako habang ako naman ay laging naghahanap ng paraan na mawala siya sa buhay ko.
What have I done?
Mutya...