Mabilis masiyado ang mga araw at mag- iisang linggo na kami sa resort.
Halos nandito ang staff ng Publishing at Advertising team nina Chona at Angelo.
These two businesses were merged together. The publishing house was owned by Chona while ang mismong kapatid nito na si Angelo ang nag ma-manage ng magazine and advertising agency. They hit two offers in a bird! If a big businessman wants to advertise their product through magazine and billboard, si Angelo ang bahala riyan while the printing and distribution ay si Chona. Masiyadong talented at business-minded silang magkapatid.
I first met Angelo sa birthday ni Chona. He was a good man and brother to Chona. Though, medyo may pagka-nerd ito, ang layo ng hitsura nila sa isa't isa. Kung hindi nga lang siya laging nakasalamin katulad ko ay mas lalo itong guma-gwapo.
Actually, ngayon ang dating ni Angelo. May isang project kasi siya sa Maynila kaya hindi agad nakapunta sa resort. And a part of me is so excited. Dati ko kasing crush siya kaya medyo ang saya rin.
It's just a simple admiration, dahil sa mabait at masaya itong kasama.
Napagpasyahan na rin kasi ni Sir Marco na since 'andito naman ang advertising team nina Chona, he wants to commercialise the resort at ang magagandang isla sa Napayong, including the isolated island. He was inspired at the girl he met before. He was really attached sa batang nakilala niya, kaya ay hinanapan niya ng paraan upang mabili ang isla.
"Maria, okay na. Baka maabutan ka ni Sir Marco rito," pahayag ni Chona habang nag-aayos ako ng mga ilaw para sa photoshoot nito.
"Ha? Ah... sige," agad na tugon ko at mabilis na tumayo.
Pumayag na nga si Sir Marco na ako ang mag-interview sa kanya, ayaw ko ring isipin ng lalaki na masyado akong pa-epal at nagmamagaling na kahit na sinabi na niyang hindi ako kasali sa project ay sumasawsaw pa rin ako.
Paalis na sana ako nang may pamilyar na tikhim kaming narinig. His definitive voice that startled everyone, na kahit pagtikhim ay very intimidating pa rin.
Si Sir Marco.
"What are you doing?" tanong niya.
His face is so serious. May toyo na naman siguro si Sir Marco at nakalimutan na namang ngumiti.
"A-Aalis na po ako, Sir. Sorry... tinulu-"
"Stay! And help your team." Iyon lang at agad siyang tumalikod.
Natigilan kami ni Chona at mayamaya ay sabay na tumalon-talon sa tuwa. Iyon bang pigil ang tili para hindi nito marinig.
"Wow. Ano'ng nakaing toyo no'n? Silver Swan?" 'di makapaniwalang tanong ng aking kaibigan. Pero bigla siyang tumili.
"Parte ka na sa team!" masayang bulong ni Chona.
"Talaga?"
Agad na tumango si Chona at niyakap ako. Hindi ko man nakuha ang first project at pagsulat ng article nito ay masaya na rin ako dahil sulit ang punta rito.
Sinimulan na ang pictorial ni Sir Marco. He wore a business suit first, and later on, changed it to tropical attire.
"Gwapo ni Sir Marco, ano?" komento ng isa sa mga naunang staff ni Angelo.
"Oo nga eh! Ang yaman pa. Swerte ng magiging girlfriend niya," dagdag ng isa.
"Balita ko, iniwan iyan ng fiancee niya."
Napakunot-noo ako sa huling sinabi.
May fiancée si Sir Marco?
"Hoy! Kayo riyan! Imbis na mag tsismisan kayo eh, tumulong kayo do'n, darating na si Gelo mamaya," sabi ni Chona na pinagsasabihan ang mga nag-bubulongan na mga staff ng kapatid.
Ibinaling ko ang tingin sa dako ni Sir Marco. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako nang tumingin siya sa akin. A stare that every girl's wishing for.
Ses! Asa pa ako! Nakasama ko lang one time si Sir Marco, kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko.
Madali ring natapos ang photoshoot. Maaga pa rin kaya malaki ang oras namin na e-enjoy ang lugar. Bukas, mas busy kami kasi ang buong resort naman ang kukunan, at si Angelo na ang gagawa sa coverage.
"Chona, pupunta muna ako kina Tatay Isko. Mag-iisang linggo na ako rito ngunit hindi pa ako nakadalaw roon," paalam ko kay Chona.
"Oo naman, ah! Gusto kitang samahan kaso may gagawin pa ako," tugon niya.
Niyakap ko muna ang kaibigan bago ako umalis.
Palabas na ako ng resort. May kalayuan din ang bahay ni Tatay Isko, pero okay lang. Makita ko lang sina tatay at nanay ay nakakawala na ng pagod.
Habang naglalakad, napadako ang tingin ko sa magandang tanawin ng dagat. Napakapayapa nito. Ang dapit-hapon ng sinag ng araw ay parang brilyanteng nagniningning.
Dati, mahilig akong mamulot ng mga kabibe at iniipon ito. Minsan, dinadala ko sa kumbento at ginagawang kwentas o bracelet.
Kumusta na kaya sina Mother Evelyn?
Bigla ko silang naisip. Na-mi-miss ko na din ang mga madreng dati'y naging tagapagligtas at sandalan ko at habang pinagmamasdan ko ang katahimakan kasama ng karagatan ay naaalala ko na naman ang nangyari noon...
"May bata nga!"
Iyan ang huling narinig ko bago ako nawalan ulit ng malay.
Nagising na lang ako sa isang maliit na kubo. Nang sipatin ko ang paligid, ay pinalibutan ako ng apat na madre at isang may edad na lalaki at babae. Nag-aalala ang mga tingin nila sa akin.
Lumapit sa akin ang pinakamatanda na madre.
"Iha... Okay ka lang? Nakita ka ng mga mangingisda sa isang isla. Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ka nando'n?" sunod-sunod na tanong niya.
Nagtataka pa rin ako at hindi makapaniwala na nailigtas na ako. Wala na ako sa isla?
"Nasaan po ako?" nanghihina kong tanong.
"Nasa kubo ka namin. Ako Si Isko at ito naman si Linda, asawa ko," pagpapakilala ng may katandaang lalaki. Katabi niya ang sinasabing asawa.
"Ako si Mother Evelyn, at ito naman ang mga kasama kong madre. Sina Sister Lisa, Sister Clarette at Sister Jonah. Nasa feeding program kami nang sinabi ng mga mangingisda na may natagpuang bata sa isang isla." Mahabang pahayag ni Mother Evelyn.
"W-Wala na po akong mga magulang." mangiyak-ngiyak na sagot ko.
Sabay na nasapo ng mga madre ang mga dibdib sa sinabi ko.
"Huwag kang mag alala, iha. Tutulungan ka namin," paniniguro ni Mother Evelyn.
Nanatili muna ako sa kumbento ng ilang linggo para makahanap ng kukupkup sa akin.
"Maria, may kukupkup na sa'yo." masayang bungad ni Mother Evelyn.
"Sino po?" mahinhin kong tanong.
Sa totoo lang, ayaw kong umalis sa kumbento. Mababait ang mga madre at naramdaman kong may pamilya ako ulit. Tiyak, kung saan ako mapunta ay malulungkot ako. Mami-miss ko ang mga ito.
Nagkatinginan sila at sabay na sumigaw.
"Kami!"
Magkahalong saya at gulat ang naramdaman ko. Saya, dahil sila ang magiging pamilya ko at gulat dahil sabay silang apat na sumigaw.
"Magiging anak ka namin dito," masayang sabi ni Sister Lisa.
Sabay-sabay silang yumakap sa akin.
Salamat sa Diyos at nakahanap rin ako ng magmamahal ulit sa akin...