HALOS hindi ko maibuka ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw. Idagdag pa ang halos mabiyak na sa sakit ng ulo ko. Pinilit kong bumangon sa kama and I can not tempt to open my eyes. Isa pa, nasaan ang salamin ko? Para akong bulag kung hindi ko ito suot. Kinapa-kapa ko ang paligid pero wala akong nakapang salamin. Ang sa pagkakaalam ko I always put it on the bedside table sa may kaliwa ko para easy na sa akin. Pero wala. Wala akong nahawakan. I tried to open my eyes ngunit, laking gulat ko na ang linaw ng paningin ko. I can see everything kahit wala akong salamin at nakakagulat iyon. Kailan pa naging okay ito? Hindi pa ako na nakapunta ulit sa opthalmologist. Nakakapagtaka lang. Baka naging okay na dahil sa gamot na tine-take ko? Umiling ako. It's impossible. Walang kinalaman iy

