"Talaga, Nay?" "Ay, Oo ah... Alas otso ng umaga ka pumasok ng kwarto. Eh 'di na kita ginising kasi himbing ng tulog mo. Pagka alas singko tinangka kong gisingin ka kaso wala ka sa kwarto mo. Nakita kita sa guest room. Kaya hindi na kita inabala kasi may hinahanap ka..." Pahayag nito. Nagkunot-noo ako. May hinahanap sa guest room? Ano naman? At duon na ako nakatulog? Pambihira! Pilit kong inaalala lahat pero wala. Blangko ang isipan ko. "Eh, huwag mo nang alalahanin iyon. Kumain ka na..." Utos ni Nanay Esther. Tumango ako at agad na niluto ang itlog. Nagpaalam din si Nanay Esther na magdidilig siya ng halaman sa labas. Nagdagdag din ako ng sausage dahil parang kukulangin ako dahil sa gutom na gutom ako. "Good morning Bhe..." Ani ng isang boses lalaki na sa pagkakaalam ko ay

