Midnight Pleasures

2547 Words

“Kumusta si daddy, mommy?” buong pag-aalalang tanong ni Dorcas matapos gantihan ng yakap ang umiiyak na ina . “Nasa operating room pa siya, Dorcas. Pero ayon sa mga doktor ay napakaliit ng tsansa niyang maka-survive.” Sa pagitan ng mga hikbi ay paliwanag ni mommy Elaine. “Of course, he will survive, mommy. He is a fighter. Ilang atake at operasyon na ang nalampasan niya, alam kong kakayanin niya ito.” Umiling si mommy Elaine, bakas pa rin sa mukha ang pangamba. Tila walang salita ang puwedeng magpahupa sa nararamdaman nito ngayon. “Ang isa pang inaalala ko ay ang pambayad natin dito sa ospital. Alam mo namang halos naibenta na natin lahat ng mga ari-arian natin. Wala na rin akong alam na puwede nating utangan. Tinawagan ko ang ate Daphne mo kanina at nangako siyang magpapadala ng malaki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD