Itinulak niya ito papalayo atsaka siya mabilis na umakyat ng bahay. Pahiyang- pahiya siya sa binata. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit tila hinintay niya ang pagdampi ng mga labi nito sa mga labi niya. Pinagtatawanan tuloy siya nito ngayon. "Hindi mo pala ako gusto, ha?” Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Gio habang nakatanaw sa sa dalaga. Kahit kasi mag-deny pa ito nang mag-deny sa kanya, alam niya ang totoong feelings nito para sa kanya. At nararammdaman niya ‘yon sa ikikinikilos nito. Madilim ang mukha ng dalaga nang umakyat siya. Nakaupo ito sa sofa pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Alam niyang nabubuwisit ito sa ginawa niya kaya mas lalo niya pa itong inasar. "Ano ba 'yong ikinaiinis mo? 'Yung muntik na kitang halikan

