Bago pa makapasok ang dalawa tumakbo na siya paakyat sa itaas at sa sobrang taranta niya, napasok siya sa kuwarto ni Gio. Pagbungad niya palang sa pinto tanaw na niya ang jershey nito naka-frame at nakasabit sa bandang gitna sa ulunan ng kama nito. At sa bandang itaas na gilid ng kuwarto nakahanay ang mga MVP trophies nito. “Oh, My God!” namimilog ang mga matang sambit niya habang papalapit siya sa lagayan ng trophy. Pinilit niyang inabot ang isa at malinaw na nakita niyang nakaukit ang buong pangalan dito ni Jordan. Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya sa kama at doon niya napansin ang solo picture ni Jordan na nakapusod pa ang bangs pataas at katabi naman nito ay ang solo picture niya na natatandaan niyang ipinasa niya noon sa binata. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya atsaka si

