Kiss . . Tumayo ako at maingat na humakbang. Gusto ko ng bumalik at makapagpahinga na. Pero sa bawat apak ko sa buhangin ay mas lalong dumidiin ang sakit na nararamdaman ko sa paa. Medyo malayo pa naman ang lalakarin ko at mukhang mahihirapan ako nito. . Tama nga ako kanina. I kept changing my mind upon coming here and joining Kevin in the bar. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi na sana ako pumunta rito. . "Ang sakit!" reklamo ko. . Kanina hindi ko pa masyadong naramdaman ito, pero ngayon, sa bawat hakbang ko ay masakit na. Bahagya akong natawa sa sarili. Nahibang na siguro ako, at isama mo pa ang kalasingan ko. Ang sakit na talaga ng talampakan ko. Hindi ko na 'ata kayang maglakad pa. . "Isabella!" . Nahinto ako nang marinig ang boses niya. That voice! I hate it so m

