Drunk . . Pang-anim na araw ko na ngayon sa Mazara del Vallo. Although hindi na niya ako kinukulit at kinakausap dahil umiiwas din naman ako sa kanya. Pero ang totoo na mi-miss ko tuloy ang pang-iinis niya. . Natapos na lang ang conference hindi ko siya nakita. Ito na nga ba and sinasabi ko. Nasanay kasi ang mga mata ko na andiyaan lang siya sa tabi at ngayong wala ay nalulungkot ako. Para lang baliw lang, Isabella! . Nag message reply ako kina mommy at daddy na okay lang ang lahat sa akin dito. Hindi ko na lang sinabi na andito si Charles. Ayaw ko na silang isali pa sa kadramahan ng buhay ko! Naiinis ako sa sarili ko ng sobra dahil may mga araw na gustong gusto ko siyang titigan at sulyapan. Pero panay naman ang kaartehan ko at ngayon na wala siya ay hinahanap hanap ko. Ang baliw

