"Why are you crying?" I heard him chuckle. Pero niyakap din naman niya ako pabalik. "Tinatawanan mo pa ako! Nakakainis ka talaga," maarteng saad ko. Kinikilabutan na talaga ako sa sarili ko! Daig ko pa si Natasha sa sobrang arte ng boses kung magsalita. Tsk! Nakakasuka ka, Nowelle! "Promise me, Maria." Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa kaniyang tiyan. Naramdaman ko ang labi niya sa aking noo. Nagtagal ito nang ilang segundo bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "What?" kunwaring nagtatampong tanong ko. Masyado na yata akong nagiging maarte! Ikaw ang pumilit sa kaniya para pumasok dito, Nowelle. Kaya magtiis ka! Hindi 'yung nag-iinarte ka riyan! Hayyy! Ganito pala ang buhay may lovelife. Lol! "Kahit na anong mangyari, you need to trust me. Hindi natin alam ang mga susunod pang pl

