"Whoo! Ang ganda..." Manghang-mangha si Lewisse sa nakikita. Narito kami ngayon sa BGC. At dahil sabado, kailangang ibaba lahat ng building. Kitang-kita namin ngayon ang buong lugar na nagmistulang paraiso. Walang building na nakikita, puro puno, halaman, damo. May mga paru-paro at iba't-ibang klase rin ng ibon. Ganyan ang itsura ng BGC tuwing weekend. Nasa underground lahat ng building. Sa weekdays na ito muling itataas. Maging ang mga maliliit na stalls at restaurant ay nasa underground. May daanan naman ang mga tao patungo sa ibaba. "Ang OA mo naman, Lewisse! Ngayon ka lang ba nakapunta rito?" mukhang badtrip na naman si Zimry. Salubong na naman kasi ang kilay nito. "Oo, hanggang probinsya lang naman ako. Noong nagpunta tayo sa Manila after graduation, hindi naman tayo nakalibot e!

