Kabanata 7

1803 Words
"Gosh! It's so nakakapagod." Basta na lamang humilata si Natasha sa sofa pagkarating namin ng apartment. Ang arte talaga ng babaeng 'to! Nakakapagod daw? Tulog lang naman siya buong byahe. Ang sabihin niya, napagod siya sa kung anu-anong nilalagay niya sa mukha niya. Ginagawa kasing coloring book! "Wala tayong pasok bukas," bungad sa amin ni Zimry, lumabas ito galing sa kusina. Apat pa lamang kami rito dahil mamayang gabi pa ang balik nina Kiz. "Bakit?" tanong ko bago pumasok sa kusina para uminom ng tubig. "Universtiy meet," simpleng sagot niya. Mga athletes o players lang ang kailangang pumasok bukas kung ganoon. Sana pala bukas na lang kami umuwi. "Anong ginagawa mo riyan, tol?" takhang tanong ko kay Lewisse. Nakaupo kasi ito sa loob ng aming ref na nakabukas. Mabuti na lamang at malaki ang ref dito sa apartment. Baliw rin ang isang 'to! "Mainit, friend." Napailing na lang ako sa kaniya. Imbes na kukuha sana ako ng malamig na tubig sa ref ay hindi ko na lang itinuloy, nakakahiya naman sa kaniya. Tsk! "Nga pala, bakit ang aga niyong umuwi?" tanong nito, prente pa ring nakaupo. "Magrereview pa raw si Natasha," sagot ko. Sumandal ako sa pader at ipinikit ang mga mata. Nakakaantok naman dito, mas lalo kasing pinapalamig ng nakabukas na ref ang temperatura sa buong kusina. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi na muling sumagot si Lewisse. Subalit halos napangiwi ako nang iminulat ko ang aking mga mata at nadatnan na nginangatngat niya ang ice cube na hawak. "May lahi ka bang daga, 'tol?" hindi ko napigilang itanong. "Ha? Madaming daga sa bahay pero hindi namin sila itunuturing na pamilya." Gulat itong tumingin sa akin. Mapapasabunot ka talaga sa buhok mo kapag kausap mo ang babaeng 'to. Hayy! Lumabas na lang ako, baka mahawa pa ako sa kaniya. "There you are! I'm so pagod sa kakahanap sa'yo, Ate! Look at my pawis o! Anyway can we go sa bahay nina Zimry later?" Isa pa 'tong kapatid ko. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pananalita niya! "Saan mo ba ako hinanap? Sa Kusina lang naman ako pumunta kanina. 'Tsaka ayusin mo nga 'yang pananalita mo, Natasha! Masakit sa tainga! Isa pa, ayaw kong sumama. Kayo na lang. Mainit." Mahabang litanya ko. At Ala una na rin kasi ng hapon, tirik na tirik ang araw. Nakakatamad lumabas. "Ha? I didn't saw you kanina when I went sa Kitchen e. Sige na, we're going to harvest sa bukid. Kapag hindi ka sumama, you'll get bored here." Napairap na lang ako sa kawalan, ang daming sinasabi! "Uuwi ka sa inyo, tol?" tanong ko kay Zimry at tuluyang inignora si Natasha. "Yes. Nalaman kasi nina Mommy na walang pasok bukas kaya pinapauwi ako para tumulong," saad niya sabay irap. Kunot noo itong nagtitipa sa cellphone na hawak. Halatang ayaw niyang umuwi para tumulong sa kanilang bukid. Malawak na lupain ang hawak ng pamilya nina Zimry. Iba't-ibang pananim ang mayroon sila. Ayaw na ayaw ni Zimry ang trabahong bukid ngunit dahil mag-isa lang siyang anak, dapat niyang matutunan ang lahat. Simula sa maliit hanggang sa malaking parte. Nakapunta na kami sa kanilang bahay noon ngunit hindi pa sa bukid. Nasa pinakadulong bahagi pa kasi ng kanilang baranggay ang bukid. "Kung gusto niyong sumama, magdala kayo ng ilang pares ng damit. Sa Monday ng gabi na tayo babalik dito," seryosong saad niya. "Paano si Kiz, 'tol?" tanong ko bago umupo sa tabi ni Natasha. Panigurado namang sasama rin si Lewisse, doon na lang niya ipagpatuloy ang pagpapalamig sa ref nina Zimry. Lol! "Sinabihan ko na siya, susunod na lang daw sila mamaya." "Sila?" Hindi naman siguro sasama ang chonggo na 'yon, 'di ba? "Sila ni Kiel. Bakit?" Lumingon ito sa akin kaya mabilis akong umiling. Nakakatakot din minsan ang katarayan nitong babaeng 'to e. Yayain ko kaya ng suntukan? Hehe! "Wala. Nagtatanong lang." Kibit balikat kong sagot bago isinampay ang mga paa sa sofa. "Ts." Inirapan niya muna ako 'saka tumayo. "What now, Ate? Nakapag-decide na ba you? Are you coming or not?" sunud-sunod na tanong ni Natasha nang hindi na namin masilayan si Zimry. "Shut your mouth, Natasha. You're so conyo. Ang sakit sa tainga," bulalas ko sa kaniya. "Duh! You're so mareklamo, Ate. We're so tagal nang magkasama yet hindi ka pa nasasanay. Hmp!" Hayy! Nakakarindi talaga. "Ts. Sasama ako," sagot ko na lamang para manahimik na siya. "Yey! I'll pack our clothes na. I'm so excited!" Tumatalon-talon pa ito patungo sa kwarto. Dapat sila ni Lewisse ang magkapatid e, parehong sira ulo. --- "What? We're going to ride on that thing?" nandidiring tiningnan ni Natasha ang Jeep na sasakyan namin. "Kung ayaw mo, 'wag ka na lang sumama." Aba! Wala pa rin sa mood si Zimry. Mabilisi siyang pumasok sa loob ng jeep na sinundan naman kaagad ni Lewisse. "Ate, can we just use our robot car?" Pagmamakaawa ng kapatid ko. "Nakalimutan mo na bang hiniram ni Daddy 'yon? Next week pa raw niya ibabalik." Hinila ko na lang siya papasok dahil naririnig ko ang mga reklamo ng nasa likod na pila. Sa loob ng ilang taong paninirahan namin dito, ito ang unang beses na magko-commute kami. May robot car kasi kami para maghatid sundo sa amin. Si Natasha lang naman ang gumagamit nito dahil kay Zech ako palaging nakikisakay. Hindi mo na kailangan ng driver sa saaakyang 'to. Walang manibela o ano pa man na nasa ordinaryong sasakyan. May isang button lamang sa dashboard, kailangan ito upang maibaba ang screen. Ang nasa screen ay ang road map, doon mo ilalagay kung saan ka pupunta. Kailangan mo ulit pindutin ang button para umangat muli ang screen at nang ma-read ng system. Sabihin mo lang ang 'GO' kung aalis na kayo. Kusa naman itong hihinto kapag narating niyo na ang lugar na gusto mong puntahan. Pero kung biglang nagbago ang isip mo't iba na pala ang gusto mong puntahan, 'CHANGE PLAN' ang sasabihin mo. Kusang bababa ang screen para mapalitan mo ang nasa road map. Kung sakaling gusto mo lang huminto saglit, 'STOP' ang sasabihin mo. Alam nito ang mga rules sa daan, para lang itong tao. Alam niya kung saan ipapark ang sarili, kung kailangang huminto dahil may tatawid, hihinto ito. "Kuya, here's our bayad oh! Four kami." Sigaw ni Natasha. Parang hindi nag-iinarte kanina. Bagamat may machine na nakalaan sa bawat upuan para paglagyan ng bayad, mas pinili pa rin nilang magkaroon ng kundoktor para siguradong walang anumalyang magaganap. Hindi pa kasi fully built ang machine na ito. Marami pang kulang na features. Produkto ito ng kalabang kumpanya nina Zech. Bukod sa hindi maayos ang pagkakagawa, ang papangit pa ng design. Lol! "Ang dami naman nito?" gulantang na tanong ng driver. Rinig ko ring may mga tumatawa sa paligid. Napatampal ako sa aking noo nang makitang apat na libo ang ibinigay ng kapatid ko. Natasha naman! "Tsk. Akin na 'yan, Kuya." Kinuha ni Zimry ang apat na libo't iniabot ang sinkuwenta. Agad namang ibinigay ng driver ang sukli. "Itago mo na 'yan." Masungit na saad nito kay Natasha na nakanguso. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Nang makarating sa palengke, naglakad kami ng kaunti patungo sa tricycle parking ng Cataggaman Pardo, baranggay nina Zimry. "Ako na ang magbabayad, 'baka ilabas mo na naman 'yang apat na libo mo." Inabot ni Zimry ang bayad sa nakangiting driver. "Ikaw pala, Ms. Zimry. Hindi kayo sinundo ng driver niyo?" usisa nito. "Hindi po, biglaan din kasi ang uwi ko. Tara na manong, bayaran ko na rin ang kulang." "Sige po." Pumwesto na ito't may pinindot lamang na button upang mag-start ang tricycle. Anim na upuan ang mayroon para sa mga pasahero. Ang apat na upuan ay 'tila upuan sa bus. May maliit na hagdanan patungo sa itaas, naroon ang dalawa pang upuan. Parehong may pintuan ang ibaba at itaas. May button din sa gilid ng mga upuan kung papara ka na. Nasa ibaba kaming apat, katabi ko si Natasha na kanina pa kumukuha ng litrato. "Ate, we should commute na lang kaya para we experience this kind of fun everyday?" "Sige, sabihan ko sina Mommy na hindi na ibalik dito 'yung robot car. Mag-commute ka na lang araw-araw." "Ehhhh! You have Kuya Kiel nga pala. No, I don't like to commute na," nakanguso na namang wika nito. Akala mo naman kung cute! "Ts." Ang daming alam talaga ng batang 'to. Lumipas ang sampung minuto nang kusang huminto ang sasakyan. Kilala nga talaga si Zimry. Nagpasalamat ito sa driver nang makababa kami. "Gosh! I missed your house, Zimry." Pumalakpak pa ito na parang batang binigyan ng candy. "Warning, we don't like conyo here." Saad naman ni Zimry bago itinapat ang mukha sa scanner ng malaking gate. Kusa itong bumukas pagkatapos. Nasa loob na kami nang mapansin kong may kulang sa amin, wala si Lewisse. Napapikit na lamang ako nang makita siyang umakyat sa gate, nakangiti pa itong kumaway sa akin. "Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo, 'tol?" tanong ko rito nang makalapit sa akin. Napag-iwanan na tuloy kaming dalawa. "Ahmm, umakyat para makapasok dito?" Hayy! Naalog na naman siguro nang husto ang utak nito kaya kug anu-anong pinaggagawa. "Ewan ko sa'yo." Nasa pintuan pa lamang kami ngunit rinig na mula rito ang boses ni Natasha. "What? I don't like you kaya! Like ewww! So maitim." Isa pa 'to, dinala rito ang kaartehan. "Moreno ang tawag dito, Binibini. Huwag mo na kasing itanggi, halata sa mga mata mo kanina na gwapung-gwapo ka sa akin." Sino naman 'tong lalaking 'to? "Tantanan mo 'yang kaibigan ko, Dan!" Rinig kong sigaw ni Zimry. "Bakit ba kasi ngayon mo lang dinala ang magandang binibini rito, Couz?" "Excuse me, this is not my first time here!" "Opps, si Zimry ang kausap ko. Uyyy, nagpapapansin..." "Yuck! Hmp." Naabutan namin ang mga ito sa kanilang kusina. Kasalukuyang naghahanda si Zimry ng pagkain, ang kapatid ko nama'y nakaupo sa stool, kaharap ang isang lalaki. "Wow, may maganda pa pala rito!" Sigaw ng lalaki nang makita ako. Suntukin ko kaya ang patotoy nito? Iyak siya panigurado. "Nandito na ang Dyosa!" saad ni Lewisse na biglang sumulpot umikot-ikot sa harap namin na para bang nasa beauty pageant siya. "Si idol!" Tumatawang saad ng lalaki at nakipag-appear kay Lewisse. "Ha! Sabi ko na nga ba't mamimiss mo ang idol mo e. Hi, fan! Gusto mo ng autograph?" Itinaas nito ang kaniyang kilay 'saka namaywang. "Sige ba, Idol! Eto, mag-sign ka rito sa kamay ko." Pareho kaming natawa ni Zimry nang iniabot nito ang chocolate syrup kay Lewisse. May boy version pala si Lewisse. Haha! At dahil loka-loka rin ang kaibigan namin, ginawa rin nito ang sinabi ng lalaki. Hayy nako! "Yes! Salamat, Idol! The best ka talaga," masayang wika nito. Hindi ko alam kung nanggagago ba ito o hindi. "Tama na 'yan. Masyado ka nang maingay, Dan. Bigyan mo na nga lang kami ng juice." Umirap si Lewisse at umupo sa tabi ni Natasha na kanina pa nakasimangot. "Mataray ka yata, Idol? Huwag ka kasing sumasama-sama sa pinsan ko, pati na rin sa babaeng 'to." Tinuro nito si Natasha na mas lalong sumama ang tingin. "Shut up! Mind your own business!" "Woah! Ang sungit mo talaga. Hayy, sayang ang ganda mo niyan!" Ang ingay naman! Lumabas na lang ako roon at nagpasyang pumunta sa living room. "Nowelle!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw mismo sa tainga ko. Bwisit, ang sakit tuloy! Parang mapipilitang lumabas ng mga dumi ko sa tainga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD