Kabanata 8

1814 Words
"Gagong 'to! Baka gusto mong magsuntukan na lang tayo? Ano, sabihin mo lang!" Inis kong sigaw nang tuluyan na akong nakabawi at nakalayo ng kaunti sa kaniya. "Haha! Hindi ka pa rin nagbabago. Parang mas naging lalaki ka pa, ha? Tomboy ka na ba?" nakangising saad nito. "Tigilan mo ako, 'tol. Baka hindi ako makapagpigil, mahampas kita ng tubo." Sinamaan ko siya ng tingin bago umupo sa sofa. "Tubo talaga? Saan ka naman kukuha 'non?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Aba! Ako pa ang hinamon niya? Kinuha ko sa aking bulsa ang ballpen at ipinakita ito sa kaniya. Ngunit tumawa lamang siya nang malakas. "Ballpen 'yan, 'tol! Kailan pa naging ---" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang lumaki ang hawak kong ballpen at naging tubo. Bigay ito sa akin ni Zech noong high school pa kami. Palagi kasi akong nasasangkot sa rambulan noon. Muntik pa nga akong namatay mabuti na lamang at biglang dumating si Zech. Galit na galit kasi 'yung lalaki sa akin dahil akala nito'y inagaw ko ang girlfriend niya. Partner ko ang girlfriend niya noon sa project namin sa isang subject. Every weekend kaming dalawang nagkikita para gawin 'yon. Ang hindi namin alam ay minamanmanan na kami ng boyfriend nito at inakalang nagde-date kaming dalawa. Daig ko pa kasi ang lalaki noon sa mga damit ko, akala niya'y tomboy ako. Bwisit! Nagtaka na lang ako at may mga lalaking humarang sa daanan ko. Isinakto nilang mag-isa ako noon, may practice kasi si Zech kaya nauna akong umuwi. Bigla na lang nila akong pinagbubugbog sa daan. Walang gustong tumulong sa akin noon dahil kilalang basagulero ang mga lalaki. Lumaban naman ako ngunit dahil mga lalaki pa rin sila, mas malakas pa rin sila sa akin. Dagdag pa na marami sila't mag-isa lamang ako. Mabuti na lang dumating kaagad si Zech, may kasama rin itong mga robot guards. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit puro pambabae ang binibili nina Mommy na mga damit ko. Ang ballpen na bigay ni Zech ay parang normal na ballpen lang. Hindi nga lang siya nauubusan ng ink at may dalawang maliliit na button, ang isa ay para mag-transform ito ng tubo, at ang isa naman ay samurai. Tinuruan din niya ako kung paano gumamit ng samurai at tubo para sa self defense. "Huy! Joke lang. Hehe! Ibalik mo na 'yan sa pagiging ballpen." Pilit itong ngumiti, para tuloy siyang natatae. "Tsk. Takot naman pala. Kamusta na?" pag-iiba ko sa usapan habang inaayos ang aking sumbrero't itinagong muli ang ballpen. "Okay lang. Bakit ngayon ka na lang pala ulit nakapasyal dito?" sagot nito't bigla akong hinila palabas ng bahay. Siya si Damon, pinsan ni Zimry. Mas matanda ito ng isang taon sa amin ngunit nakakalaro namin siya ni Zech noon ng basketball. Madalas kasi kami rito noon kaya lang dumalang na simula 'nong magsecond year kami. "Ngayon na lang ulit nagyaya si Zimry e. Parang pumogi ka, ha?" pambobola ko. Payatot lang siya noong huling kita ko sa kaniya e. Ngayon, ang laki na ng katawan. Parang alagang gym. Pero alam kong dahil lang ito sa mga trabaho nila sa bukid. Ang kwento kasi niya noon ay siya ang magmamana sa hacienda nila. Kaya habang nag-aaral, tinuturuan din siya sa trabahong bukid. Katulad ng ginagawa kay Zimry ngayon. "Walang ganyanan, baka ma-fall ako," saad niya sabay tawa nang malakas. "Gago! Teka, parang kamukha mo 'yong lalaki sa loob." Tinitigan ko ang mukha nito habang iniisip ang pagkakahawig nila 'nung Dan na 'yon. "Ah. Si Dan? Bunso namin 'yon. Nasa ibang bansa kasi siya 'nung madalas kayong pumunta rito." Patuloy pa rin kami sa paglalakad, mukhang malayo ang pupuntahan namin. Ang lawak naman kasi ng bakuran nina Zimry! "Ahh! Kaedad ni Natasha?" Kita sa mata nito ang pagkalito. Malamang, hindi niya rin kilala ang kapatid ko. "Sinong Natasha?" Minsan pa lamang kasi nakarating si Natasha rito at nagkataong wala siya. "Hindi mo pala kilala. Kapatid ko." "19 years old na si Dan," sagot niya't huminto sa paglalakad. "Magkaedad nga... wow!" naputol ang sasabihin ko nang makita ang nasa harap namin. Nasa pinakalikod kami ng bahay nina Zimry. "Hahahaha! Tingnan mo 'yang mukha mo!" "Gago! Ang ganda, tol!" Binatukan ko pa siya sa sobrang kagalakan. Garden ang nasa likod ng bahay ngunit mayroong man-made na kweba na siyang pinasukan namin kanina. Mukha siya kweba sa labas ngunit kung papasok ka ay isang high tech na covered court ang makikita mo. "Pinagawa ni Papa 'yan para sa amin." Magkapatid ang Tatay nila at ang Tatay ni Zimry. "May bola ba rito? Laro tayo, Dam!" Buti na lang pala naka-rubber shoes ako. Tumakbo ako patungo sa gitna't tumalun-talon, 'saka kunwaring nag-shoot ng bola sa ring. "Salo!" Sinalo ko ang bolang ibinato niya sa akin. Pareho kaming hingal na hingal pagkatapos ng ilang minuto dahil sa kakalaro. "Whoo! Pwedeng dito na lang ako tumira, 'tol?" Wala sa sariling tanong ko habang nagpupunas ng pawis. "Hindi pwede, baka sumabog sa galit si Kiel." Natatawang saad niya. Pumitik ito at isang maliit na ref ang bumaba sa gitna. Dahan-dahan itong lumapit sa gawi namin. "Ha? Bakit naman?" takang tanong ko. "Tubig o energy drink?" Pambabalewala niya sa akin. "Tubig na lang, 'tol." Kumuha siya ng isang tubig at isang energy drink na para sa kaniya. Pagkasara niya sa ref ay kusa itong tumaas. Ang cool! Sina Zech ang naka-mbento niyan! "Salamat." Agad akong uminom sa tubig na bigay niya. Isang lagukan ko lang 'yon. Gusto ko pa sana kaya lang nakakahiya. Lol! "Hanggang ngayon, hindi mo pa alam? Manhid ka talaga." Biglang saad nito. "Ano na naman ang pinagsasabi mo, tol?" tiningnan ko siya nang masama ngunit parang wala itong epekto sa kaniya. "Hindi mo naman kasalanan 'yon. Torpe rin kasi si gago e. Unahan ko na lang kaya siya?" "Ano?" Pahina naman kasi nang pahina ang boses nito kaya hindi ko narinig ang mga sinabi niya. "Wala!" Tumayo siya't ginulo ang aking buhok. Nakakainis! Nahulog tuloy ang sumbrero ko. "Bwisit ka talaga!" Nakapamaywang ito habang nakatingin sa akin, tawa na naman nang tawa. Mga baliw yata ang pinsan ni Zimry. Bakit kaya hindi niya sila gayahin? Para hindi naman siya madalas na magtaray. Inis kong tinanggal ang aking sumbrero at tali ng buhok ko kaya bumagsak ang mahaba kong buhok. Mas lalo tuloy akong nainitan! Ituloy ko na lang kaya ang paghampas sa kaniya ng tubo? Kinuha ko muna ang towel ko para punasan ang aking noo na puno ng pawis. Tumingin ako kay Damon dahil tumigil siya sa pagtawa, titig na titig ito sa akin habang nakaawang nang kaunti ang kaniyang bibig. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa, sisigawan ko na sana siya ngunit may nauna na sa akin sa pagsigaw. "Maria Nowelle Valdecañas!" nag-echo pa ito sa bawat sulok ng court. Muntik na akong madamid sa sarili kong laway nang makita kung sino ang nasa pintuan. "Zech?" Tiningnan ko ang aking relo at nasisiguro kong alas tres pa lamang ng hapon. "Akala ko ba mamayang gabi pa ang dating niyo?" sigaw ko dahil medyo malayo pa ito sa amin ngunit hindi niya ako sinagot. Madilim lang ang mukha nito habang naglalakad papalapit sa amin. May regla yata ang chonggo! Nakapamaywang itong pumwesto sa mismong gitna namin ni Damon. Daig pa ang Nanay ko kung umasta! "Tol, si Damon pala. 'Yung dating kalaro natin." Turo ko kay Damon dahil hindi man lang niya ito pinansin. Napakabastos na unggoy! "I know," simpleng sagot niya. Bigla namang tumawa nang malakas si Damon. Kanina pa ito, ha? Kahit walang nakakatawa, tumatawa. Nababaliw na yata! "Hindi ka pa rin nagbabago, pre!" Tinapik niya si Zech sa balikat. "Mauna na ako sa bahay nina Zimry. Sunod na lang kayo." Nakangiti ito habang umiiling. Ginulo na naman niya ang buhok ko nang madaanan ako't tuluyan nang lumabas ng court. "Ts. Stop staring at him!" biglang sigaw ni Zech. Akala mo naman ang layo namin sa isa't-isa. "Problema mo?" Tinapatan ko ang sobrang talim niyang tingin. Akala niya, ha! "Stupid." Inirapan niya pa ako 'saka naglakad patungo sa upuan na nasa gilid. May pinindot siya sa ibaba at naging higaan ito. Lahat yata ng bagay rito, high tech. "Parang tanga. Ang sarap mo talagang suntukin," nanggigigil kong bulong. Tumalikod na lang ako't handa na sanang umalis ngunit bigla niya akong tinawag. "Come here." Nakahiga na ito ngayon. "Ayaw kong humiga, 'tol. Kailangan ko nang magshower, nanlalagkit na ako sa pawis." "Maria, come here." Ulit nito ngunit mas may diin ang pagkakasabi niya ngayon. Kaya lumapit ako sa kaniya't hinampas siya. "Ouch!" napabalikwas ito habang inihaharang ang dalawang kamay sa bawat hampas ko. "Stop it, Maria!" Itinigil ko ang ginagawa at inunahan siya sa paghiga. Kanina ko pa kasi gustong i-try 'yung higaan. 'Nung upuan pa lamang siya, mukha itong yari sa kahoy ngunit nang naging parang single bed ay yari na sa sobrang lambot na foam. Ginawa kong unan ang hita ni Zech. "Such a cunning woman." Kunwaring naiinis na saad nito ngunit halata namang pinipigilan lang niya ang ngumiti. "Narinig ko 'yon, tol!" "Ts." Ramdam ko ang bawat paghagod ng kamay niya sa aking buhok. Mahilig talaga niya itong laruin. Naiinggit siguro, baka gusto niya ring mahaba ang buhok niya. Lol! "Bakit ang aga niyong dumating, 'tol?" tanong matapos ang ilang minutong katahimikan. "You're not answering my calls and texts," malamig na wika nito. Parang may halo pa ng tampo ang kaniyang boses. "Oh? Koneksyon 'non?" "Ts." "Kasama mo si Kiz?" Pambabalewala ko sa kaartehan niya. Masyado siyang madrama e! Parang babae. "Yah." Patuloy pa rin siya sa ginagawa sa aking buhok, inaantok na tuloy ako. "Ilang oras mong nakasama si Damon?" biglaang tanong niya kaya napadilat ako. Nagtama ang mga mata naming dalawa. "Kailangan ko pa bang bilangin kung ilan?" pagbibiro ko. Sinamaan niya tuloy ako ng tingin. Pero tama naman e, ano ako timang? "Hindi ko alam, 'tol." Bumangon ako't hinila naman siya pahiga sa aking hita. Kawawa naman e. Mukha siyang pagod na pagod. "Oh, matulog ka na. Alam kong pagod ka sa pagmamaneho." Ginaya ko ang ginawa niya sa aking buhok kanina. Lahat yata ng sama ng loob ko kaninang umaga ay nawala nang makita ko siya. Hindi ko rin naman alam kung bakit ganoon na lang ang pakiramdam ko, bigla biglang maiinis, tapos mawawala rin naman kaagad kapag mag-usap na kami o kahit makita ko lang siya. "Pagod ako kakaisip kung bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko." Inirapan niya ako bago ipinikit ang mga mata. Para talaga siyang bakla. "Nagbasket ball nga kasi kami, naka-silent yata ang cellphone ko." Ang mga kamay ko ay bumaba sa kaniyang mukha. Hinaplos-haplos ko ang kaniyang mga mata bago ang ilong. Ang tangos talaga ni ilong nito, napaka-unfair ng buhay. Hayy! "I can't even detect your mini robot. I told you to always bring that." Bakit parang ang cool ng boses niya? Hayy! Ayan ka na naman, Nowelle! Ang mini robot na bigay niya sa akin noong 18th birthday ko ay may kakayahan ding magreport kay Zech kung anong ginagawa ko. Ngunit gumagana laman ito kung idedetect ito ni Zech at kung malapit lamang ito sa akin. Kaya lang, naiwan ko ito sa apartment kaya hindi siya madetect. "Naiwan ko sa apartment, 'tol. Hehe!" alanganin akong ngumiti sa kaniya nang idinilat nito ang kaniyang mga mata at sinamaan na naman ako ng tingin. Tumirik sana ang mata niya!    "Tsk!" "Wala ka bang ibang sasabihin kundi 'yang 'TS' mo? Nakakaurat na 'yang katipiran mong magsalita---" "I love you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD