"Ewan ko sa 'yong bwisit ka." Bumuntong hininga ako para maging maayos ang aking paghinga. Ang lakas na naman kasi ng pagkabog ng aking dibdib. Nakakahiya, baka marinig ni Zech! Lolokohin lang ako niyan panigurado. "Why?" natatawang tanong niya. Hayy! Sinasabi ko na nga ba. Masyado akong nagpapaapekto, tinamaan lang naman yata ng katopakan ang chonggong 'to. Hindi pa ako nasanay. "Wala lang." Ginagawa niya kasing biro ang lahat. Pero bakit sineseryoso ko naman ang mga sinasabi niya? Dapat wala na lang sa akin 'to e! Kasi naman, I like you lang dati ang sinasabi niya. Ngayon, I love you na. Ughhh! Ewan ko sa iyo, Nowelle. Kailangan ko nang kumalma simula ngayon dahil kung hindi ay mababaliw ako sa kakaisip. "What's with that face?" Bumangon ito at humarap sa akin. Nakaawang ang kaniy

