Kabanata 2

2242 Words
"Pack your things na, Ate. Dad will go here mamaya, sasabay na tayo sa kaniya." Bungad sa akin ni Natasha pagkapasok ko ng apartment. "What the heck are you wearing, Ate? It's so eww! Are you some kind of joke? Have fashion sense naman!" Nagtataka akong napatingin sa itsura ko, jersey short at malaking T-shirt. Naka-school shoes din ako na flat. Iniwan ko na kay Zech 'yung school uniform ko. Siya na bahalang maglaba 'ron. Haha! "Tumahimik ka nga, Natasha. Naguguluhan 'yung robot sa'yo!" Inis na singhal ni Zimry, nakahilera kasi silang apat sa salas at nagpapalinis ng kuko sa kaniya-kaniya nilang robot. "Mga kaartehan niyo sa katawan." Iling ko't dederetso na sana sa aking kwarto ngunit hinarangan ni Natasha ang aking daan. "You also need this, Ate. May dadaluhan tayong party tomorrow." Pumitik siya ng dalawang beses at biglang sumulpot sa harap ko ang dalawang robot. "You know what to do na," saad niya sa mga robot. "Ayaw ko--" "Shut up, Ate. Mommy will get mad na naman sa'yo, sige ka." Ugh! Nakakainis. Bakit ba kasi kailangan pa ng mga ganito? "Aray! Dahan-dahan naman, tol!" pinigilan ko ang aking sarili na huwag masipa ang robot na naglilinis sa paa ko. Ang sakit! "Huwag ka kasing makulit, Nowelle. Mukha kang uod kakalikot diyan," sabat ni Lewisse na kumakain ng pipino. Take note, ito 'yung nilagay niya sa kaniyang mata kanina. Tapos na ang apat sa pagpapalinis ng kuko kaya nagpapamasahe naman sila ngayon. Kina Kiz ang mga robot na ito. Hinihiram lang nila kapag gusto nilang "magpaganda". Pati tuloy ako nadadamay! "Uuwi rin ba kayo mamaya, Zimry at Lewisse?" tanong ni Kiz. "Yes. Sabay-sabay na tayo mamaya." Si Zimry ay nakatira sa Cataggaman Pardo. Si Lewisse nama'y sa Ugac Sur. Isang sakayan lang mula rito sa apartment. "Ate, your hair is so dry. Like ew! No one will like you kapag gan'yan ka." Naka-pwesto ito sa aking likod at tinanggal ang ipit ko. "Paki-alam ko naman. Ibalik mo nga 'yang ipit ko, ang init!" "Naiinitan ka kasi hindi ka naligo." "Bakit ba kanina ka pa sabat nang sabat, tol? Tadyakan kita e." Inis na saad ko kay Lewisse ngunit binelatan niya lang ako. Tsk. "I will ayos-ayos your hair." Inumpisahan ni Natasha na suklayin ang aking buhok. Hirap na hirap pa nga ito kasi sobrang tigas na. Nilalagyan ko pa kasi ng gel 'yan para hindi magulo. "Tigilan mo ako, Natasha." Yayain ko na kaya ito ng suntukan? Ang daming arte! "Kiz, let's go. Nasa labas na ako." Rinig naming wika ni Zech mula sa maliit na robot speaker. Ito ang ginagamit ng kambal kapag nais nilang makausap ang isa't-isa. Mas madali kasi itong gamitin kaysa sa cellphone. Hindi na nila kailangang mag-type. Isang button lang ang meron ito, na pinipindot lamang kapag nais mong kausapin ang nasa kabilang linya. Maaari mo rin itanong sa robot na ito kung nasaan at anong ginagawa ng nasa kabilang linya. Ngunit ang kambal pa lamang ang mayroon nito dahil hindi pa ito inilalabas nina Tito Zach sa market. "Pumasok ka muna, Kuya. Maliligo lang ako saglit." Pero sa sobrang hinhin nitong gumalaw, baka abutin si Zech ng isang oras sa paghihintay. Pumasok si Zech at nasa akin agad ang mga mata nito. "Bakit?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya ngunit umiling lamang siya't prenteng umupo sa sofa. "Anong gusto mong maiinom, Zech?" tanong ni Zimry. Kaya pala ganoon na lamang ang pagtataka ni Zech kanina. Ako na lang pala ang inaayusan, nagmukha tuloy na ako ang pinakamaarte sa aming lima! Dagdag pa si Natasha na kung anu-anong ginagawa sa buhok ko. "Tubig na lang. Salamat." Tumango lang si Zimry sa sinabi ni Zech. "Kuya Zech, who will be your date sa party tomorrow?" Rinig kong tanong ng kapatid ko. "Kiz," maiksing sagot nito ngunit ang mga mata ay nasa paa kong nililinisan ng robot. "I'm so excited for Ate! Ipapakilala siya ni Daddy sa business partner namin and their son is her date bukas! Shiz! I'm so kinikilig na." "What!" Halos pasigaw kong tanong. Bakit hindi ko 'to alam? Rinig ko rin kanina ang mahinang pagsinghap ni Zech. "Yes, Ate. Mommy is so worried kaya kasi you look like tomboy raw. They want you to have boyfriend na." "Natasha, tell your Mom and Dad to cancel their plans. At 'wag silang mag-alala, she's not tomboy, I'm her boyfriend." Wait, what? --- "Ma. Nowelle Valdecañas, can you please explain?" Nakapamaywang si Mommy sa harap ko, nakataas pa ang isang kilay nito. Isinumbong kasi kaagad ng walang hiya kong kapatid kina Mommy at Daddy ang sinabi ni Zech. Gagong lalaki kasi 'yon! Matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon sakto namang lumabas na si Kiz. Hindi ko na tuloy nabatukan dahil umalis na sila kaagad. "Mom, hindi nga kasi totoo 'yon." Irap ko sabay tingin kay Daddy para sana humingi ng tulong kaya lang sobrang lawak ng kaniyang ngiti. "Hayaan mo na 'yang anak mo, Tyrelle. Ayaw mo ba 'yon? Kakilala lang natin ang mapapangasawa niya." Lumapit si Daddy kay Mommy 'saka inakbayan. "Tumigil ka, Caleb! Alam mong babaero si Zach noong kabataan niya. Ayaw kong magaya si Nowelle kay Kezia noon." Marahas niyang tinanggal ang pagkakaakbay sa kaniya ni Daddy. Nakatoon sa akin ang tingin nilang dalawa. Problema ng mag-asawang ito? Kararating lang namin dito sa bahay, hindi pa nga ako nakakapagbihis e. Ganito pa ibubungad sa akin? Mabuti pa si Natasha, mukhang tulog na sa kwarto niya. Tsk. "What?" takhang tanong ko. Ipinatong ko ang aking dalawang paa sa sofa tsaka pumitik para tawagin ang robot naming katulong. "Water, please." Tumango lamang ito't umalis pagkatapos. "Answer us, Nowelle!" "Mom, hindi nga totoo 'yon! Best friends lang kami." Kunot-noo akong nakatingin sa dalawa habang nagbubulungan. Maya't-maya'y bigla silang malawak na ngumisi. Okay? "Sabagay, mukhang hindi naman nakuha ni Zech ang pagkababaero ng ama niya noon. Sige na nga, pumapayag na ako sa relasyon niyo. Hon, tawagan mo si Kezia at Zach. Kailangan na nating pag-usapan ang relasyon ng dalawa." Sh*t! "Daddy, no!" Pagpoprotesta ko ngunit mukha lang silang timang na tumatango sa isa't-isa habang nakangiti. Mabilis akong tumayo at kinuha ang aking telepono upang tawagan si Zech. "Your water, Nowelle." "Thanks. Ilagay mo muna riyan sa mesa." "Tol, saan ka!" sigaw ko sa kabilang linya. "Bakit ka ba sumisigaw!" sigaw niya pabalik. Tumakbo ako papunta sa aking kwarto para hindi marinig ng dalawa ang usapan namin. "Tol, kinakausap nina Mommy sina Tita Kezia. Ano ba kasing kagaguhan ang pinag-sasabi mo kay Natasha kanina!" Sinisipa ko ang aking kama sa sobrang inis. "I just saved your ass. Bakit, mas gusto mong maka-date 'yong lalaking hindi mo kakilala?" Mukhang bored niyang saad. "Pero hindi mo nalang sana sinabing mag-jowa tayo! Anong gagawin natin?" "Edi magpakasal na tayo, diyan lang din naman ang punta ng usapan nila." "What? Are you f*cking kidding me!" Rinig ko ang mahinang tawa niya. "Saan ka, Zech? Papatayin talaga kitang gago ka!" Tumikhim muna siya bago nagsalita, "Shangrila, BGC. May date ako. Ako na lang ang pupunta sa'yo mamaya." Magsasalita pa sana ako ngunit pinatay na niya ang tawag. Date? Hindi naman 'yon mahilig sa date, ha? Sino namang babae ang kasama 'non? Teka, ano bang paki-alam ko? "Hi, Nowelle!" hinalikan ni Tita Kezia ang aking pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Zia, robot nilang anak-anakan. Habang si Tito Zach nama'y nakangiti lamang sa amin. "Tita, Tito..." nakasimangot kong tawag sa kanila, daig ko pa ang nagsusumbong. Do I have to deal with this? Wala naman kasing katotohan iyong paratang nila! "It's okay, darling. We're so happy na kayo ang magkatuluyan ni Zech. Kilala niyo na ang isa't-isa." Yuck! "Tara sa garden, doon na tayo magdinner," tawag ni Mommy. Ugh! Sumasakit ang ulo ko. It's already 9 PM at wala pa akong pahinga simula 'nung umuwi kami rito. "Iyang mga mata mo na naman, Zake! Hindi ko gusto 'yang mga tingin mo kay Tita Tyrelle!" Rinig kong bulong ni Zia kay Zake na nasa harap ko habang papunta kami sa garden. Zia and Zake are both robot. Kung hindi mo titingnan ng maigi, para lamang silang tao. Mula sa balat, mata, boses, at galaw. Halos kaedaran lamang namin sila. Sabi ni Zech, mabilis ang growth ng physical appearance nila noong bata. Limang taong gulang pa lamang sila noon ngunit ang katawan ay pang-18 years old na. Ngunit makalipas ang ilang tao'y nanatili na sila sa anyong pang-20 years old. Kahit lumipas pa raw ang ilang taon, ganoon na ang magiging itsura nila. "Ano na naman bang sinasabi mo, Zia?" I can sense frustration on Zake's voice. "May baby na tayo pero hindi pa rin mawala-wala 'yang pagkagusto mo sa kaniya!" Nanggigigil na wika naman ng isa. Nakakaaliw panoorin. Tito Zach is so amazing, siya ang gumawa sa dalawang ito. Gumawa rin siya ng baby girl na robot para maging anak nila. "Zia, wala akong gusto sa kahit kanino. Sa'yo lang ako." Hayy, mabuti pa sila nagmamahalan. Ako kaya, kailan? Pwe! "Zake, saan 'yong gunggong mong kapatid?" singit ko sa kanila. Si Zake ang itinuturing ng mga Martinez na panganay nilang anak. Si Zia nama'y anak-anakan daw ng Daddy at step-mother ni Tito Zach. Kung ganoon, hindi pala dapat pwede si Zake at Zia dahil magkamag-anak sila? Lol. "Nasa business meeting si Zech ngayon sa Shangrila kasama si Kiz. Pero sinabihan na sila ni Dada na rito dumeretso mamaya. Bakit, miss mo na siya?" His smirk is just the same with Zech's. Inirapan ko tuloy siya. "Oh, Tita and Tito! You're here pala? Magandang Evening!" sigaw ng Conyo kong kapatid. Nakita kong napailing si Mommy at Tita Kezia. "Hi, Zake and Zia!" Baling naman niya sa dalawa matapos makipagbeso kay Tita at Tito. "Hello, Natasha!" I'm done here. Mabibingi na naman ako sa kaartehan ng dalawang ito. Every weekend, either dito sa bahay o kina Zech kami nagdidinner. Magkasundong-magkasundo si Natasha at Zia sa mga kaartehan. Mabuti't hindi nakukuha ni Zia ang pagiging conyo ng kapatid ko. Wala namang aasahan si Zia kay Kiz dahil simpleng mahinhin lang 'yon. "Nowelle, come here." Tawag ni Tita sa akin. Nasa kabilang gilid sila habang nag-iihaw ng isda. Kahit na marami nang imbensyon para magawa ang mga bagay-bagay tulad ng pag-iihaw, mas gusto pa rin nilang sila mismo ang gumagawa manually. Sina Tito, Daddy, at Zake ay nasa mesa't naghahanda ng pagkain at inumin. Ang dalawang maarte nama'y nasa pool side habang nag-uusap tungkol sa paborito nilang make-up brand. "Po?" tanong ko nang makalapit sa kanila. "Darling, tawagan mo nga si Zech. Papuntahin mo na rito." "Tinawagan ko po siya kanina, Tita. May date raw siya ngayon at huwag ko siyang gambalahin." Rinig ko ang pagsinghap ng dalawa sa sinabi ko. Haha! Humanda ka mamaya, Zech. Date pala, ha? "Anong sinasabi mo? Nasa meeting sila ngayon ni Kiz." Hindi makapaniwalang saad ni Tita. Nagkunwari akong naluluha't nakatingin lamang sa paanan ko. "I-ipinagpalit na po yata niya ako." Suminghot pa ako para mas kapani-paniwala. Tama nga si Mommy, pwede akong pumasok sa showbiz! "Oh, Zech! Nariyan na pala kayo." Biglang saad ni Mommy kaya napatingin ako sa bandang likod ko. Kasalukuyang nagmamano ang kambal kay Daddy at Tito. Nang matapos ay lumapit na sa amin. "Opo, pasensiya na't natagalan kami. Medyo may hindi pagkakaunawaan kanina sa board." Nag-explain pa ang gago. Ulol, ang sabihin mo nag-enjoy ka sa date mo! Bakit ka ba galit, Nowelle? "Kiz!" Nandidiri ko siyang binalingan dahil hinalikan niya ako sa pisngi. Samantalang siya'y 'tila tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. "Bakit sinasabi ni Nowelle na may date ka kanina? Umiyak pa nga 'yan, baka ipinagpalit mo na raw siya. Anak, kailan ka pa naging babaero tulad ng ama mo? Hindi kita pinalaking ganiyan!" Itinutok ni Tita ang tinidor kay Zech. Kunot-noo namang bumaling si Zech sa akin ngunit kalauna'y biglang ngumisi. Sh*t, may binabalak ang gagong 'to! "A-ahm, pasok po muna ako sa loob. Hehe." Aalis na sana ako ngunit hinablot ni Zech ang aking braso. "Umiyak ka?" Malumanay ang boses nito. Natalikod siya kina Mommy kaya hindi nila kita ang ngisi sa mukha niya. Lumapit ito sa akin, inayos ang buhok kong nakakalat sa ibang bahagi ng aking mukha. Malakas siya bumuntong hininga, hinuha ko'y para marinig ng dalawa sa likod na 'tila namomroblema siya. "I'm sorry. Wala naman talaga akong date kanina. Sinabi ko lang 'yon para inisin ka. Hindi ko naman gustong saktan ka. I'm sorry." Parang nagmamakaawa ang boses niya. Ngunit ang mukha'y may ngising hindi ko gusto. Nakatingin sina Mommy, Tita, Tito, Daddy, at Zake sa gawi namin. Ang tatlong babae sa pool side ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi pwedeng maisahan na naman ako ng gagong 'to! Nanlaki ang mata niya nang makita ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Mukha akong kawawa ngunit pinipigilan ko lang talaga ang matawa ng malakas. "Sa tingin mo, nakakatawa 'yong biro mo? Hindi! Gusto kitang puntahan kanina pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong magmumukha lamang akong kawawa roon! Girlfriend mo ako tapos iba ang ka-date mo? I hate you!" Dalang-dala ako sa acting ko dahil hindi tumitigil ang aking mga luha. Hinampas-hampas ko pa siya sa dibdib. He looked stunned. Napaatras pa siya ng kaonti sa akin. "I-i'm sorry. H-hindi ko na uulitin." Hinila niya ako upang yakapin nang mahigpit. Napatingin ako sa paligid namin, lahat sila'y nakangiti habang pinagmamasdan kami. "Hindi ka marunong umarte, Maria. You need to practice more." Malamig na bulong ni Zech habang nakayakap sa akin at ang mukha'y nakabaon sa aking leeg. Sh*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD