CHAPTER 9

1116 Words
Lezlie's POV Namimitas ako ng bulaklak sa may hardin kahit na malapit ng lumubog ang araw ay nasa labas parin ako ng palasyo. Nagulat ako ng bigla nalang may yumakap sa akin. "Nandito ka lang pala mahal ko." sabi sa akin ni Red habang naka pulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang. Hinarap ko siya at ngumiti sa kanya ng napaka tamis. Kailangan kong magpangap na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. "Bakit saan pa ba ako pupunta?" tanong ko naman sa kanya habang inaamoy ang mga rosas na pinitas ko. "Hinahanap kasi kita sa buong palasyo pero hindi kita nakita kaya naman pumunta ako dito sa hardin." paliwanag niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon. "Palubog na din ang araw pwede mo ba akong samahang bumalik sa aking silid mahal ko." sabi ko naman sa kanya. Naglakad na kami patungo sa aking silid. "Ilang gabi na ding bilog ang buwan. Kung mawawala na ang buwan at magiging isa na din akong bampira may pusibilidad ba na babalik na din ang mga ala-ala ko?" tanong ko sa kanya ngunit hindi siya agad naka sagot. "Babalik ang mga ala-ala mo huwag kang mag-alala. Basta't iinumin mo ang mga gamot na ibinigay ko para hindi mabigla ang utak mo sakaling magbalik lahat ng mga ala-ala mo." mahabang paliwanag ni Red sa akin at iniabot ang maliit na boteng naglalaman ng gamot. "Oo iniinom ko naman ang mga gamot na yan araw-araw." sabi ko naman sa kanya at ngumiti ulit. Nakarating na kami sa tapat ng kwarto ko at binuksan niya yun. "Aalis na ako, magpahinga ka nalang muna magkita nalang ulit tayo bukas. Ipapahatid ko nalang rito ang iyong hapunan." sabi niya sa akin at hinalikan ako ng mariin sa labi. Kahit na labag man sa kalooban ko ay pinilit kong ipikit ang mga mata ko at tugunin ang halik niya. Isipin ko nalang si James ang kahalikan ko ngayon. Itinulak ko siya upang lumayo siya ng kaunti sa akin. "Pasensiya na mahal ko hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pagpahinga ka na." sabi niya sa akin at hinalikan nalang ako sa noo bago tinungo ang pinto at lumabas ng kwarto. Hinintay ko siyang makaliko sa may pasilyo bago ako pumasok sa kwarto ko at isinara. Nagulat ako ng makita ko si James na naka tayo sa may gilid ng kama ko at naglakad papalapit sa akin. Pinunasan niya ang aking labi ngamit ang kanyang palad. Habang naka kunot ang noo niyang naka tingin sa labi ko. Ano bang problema ng lalaking ito at mukhang bad mood? "Akin lang ang labi mo. Nakakabwesit talaga ang Red na yun." sabi niya sa akin na siya namang ikinagulat ko. Hindi ko lubos akalain na magseselos siya ng ganito. "Sows, nagseselos ka no." sabi ko naman sa kanya habang naka ngiti at sinundot siya sa tagiliran. "Oo na nagseselos na ako." sabi niya sa akin at hinalikan ako sa labi ng mariin at malalim at isinandig sa may pinto ng aking silid. Buong puso kong tinugon ang malalalim niyang halik. Ipinulupot ko naman sa kanyang leeg ang aking mga braso upang mas lumalim pa ang pinagsasaluhan naming halik sa isa't-isa. Habang ang kaliwang kamay niya ay naka pulupot sa bewang ko at ang kanan naman ay pumasok na sa loob ng damit ko at hinawakan ang kanang dibdib ko. Napaungol ako ng maramdaman ko ang maiinit niyang palad sa aking dibdib. Naitulak ko si James ng may marinig akong katok sa may pinto ng aking silid. "Sandali lang!" sigaw ko naman. "Magtago ka dali." mahina kong bulong kay James. "No need." sabi niya at ipinakita ang rocket niya sa badminton at pinakita sa akin ang shuttlecock at ipinasok sa silong ng aparador. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Red. "Bumalik ka ata?" maang kong tanong sa kanya habang umaaktong walang nangyari. "May nakalimutan lang kasi akong sabihin sayo. Bakit narito si James?" sabi niya sa akin at pinapasok ko siya sa loob. Nakita niya si James na may inaabot na kung ano sa silong ng aparador ko. "Got it." sabi niya habang naka tingin sa shuttlecock. Nag bow siya ng makita niya si Red. "Patawad kamahalan kung pumasok ako sa silid ni Prinsesa Lezlie. Naglalaro kasi kami ni Acrine ng badminton at napalakas ang tira niya kaya napunta yung shuttlecock sa kwarto ng prinsesa." mahabang palusot naman ni James sa kanya. Biglang nanliit ang mata ko ng marinig kong binigkas niya ang pangalan ni Acrine. Normal lang naman na magselos ako dahil alam kong akin naman talaga siya. Inagaw lang. "Ganon ba, makakaalis ka na. May importante lang kaming paguusapan ng mahal kong prinsesa." sabi naman ni Red sabay tingin sa akin. Nag bow ulit si James bago lumabas at dumaan sa may balkonahe. "Parang bata parin talaga ang mga yun." naka ngiti niyang sabi habang naka tingin sa may balkonahe.Naglakad siya papunta doon at pinanuod ang dalawa. "Ano nga pala ang nakalimutan mong sabihin kanina?" tanong ko naman sa kanya at sinundan siya papuntang balkonahe. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Mahal ko pwede na ba tayong magpakasal kung magiging ganap ka nang bampira?" tanong niya at humarap sa akin. Hindi ako agad naka sagot sa tanong niya. "Masyado pa namang maaga diba?" sabi ko nalang at iniiwas ang tingin sa kanya at kinalma ang sarili. Ayaw kong mabasa niya kung anong nasa isip ko kapag nakita niya ang magiging reaksiyon ko. "Ano pa bang kulang mahal ko. Mahal naman natin ang isa't-isa hindi ba?" malungkot na tanong niya sa akin. Iniiling ko ang aking ulo at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pag-igting ng panga niya. "Patawad pero tulad nga ng sinabi ko. Papakasalan lang kita kung babalik na ang lahat ng mga alaala ko sayo. Pwede mo na ba akong iwan. Kailangan ko nang magpahinga hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon." sabi ko naman sa kanya at naglakad pabalik sa aking higaan. "Kung yan ang gusto mo. Papahatidan nalang kita ng hapunan sa isa sa mga tagasilbi dito sa palasyo." sabi niya naman sa akin at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. Sa mga pinagsasabi niya ay bigla nalang sumakit ang ulo ko at mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko. Nitong mga nakaraang araw ay nakakaramdam na ako ng matinding uhaw. Umiinom nalang ako ng maraming tubig para maibsan ito. Good thing dahil napapawi din naman. ♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥ Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update Arigato salamuch hamnida ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD