Lezlie's POV Nagising ako sa sobrang uhaw. Tinignan ko ang orasan na nasa ibabaw ng mesa at nakita kong alas dose palang ng hating gabi. Bumaba ako sa kusina upang kumuha ng tubig sa ref. Mabilis ko nilagok ang laman pitsel dahil sa sobrang uhaw na nararamdaman ko. Halos tumulo na ang ibang tubig sa labi ko at basa na din ang suot kong damit. Naka ilang pitsel na ng tubig ang nainom ko ngunit hindi parin mapawi ang uhaw ko. Mabilis akong lumapit sa may bintana at mabilis itong binuksan. Nabitiwan ko ang pitsel at napasalampak ako sa sahig ng makita ang kalangitan na walang buwan. Halos sakalin ko ang leeg ko sa sobrang uhaw. Napaiyak nalang ako ng maaalala na magiging ganap na akong bampira. Gustong kumawala ng halimaw na nasa loob ko pero pinipigilan ko. Nagugutom ako na nauuhaw na

