CHAPTER 5

1110 Words
Lezlie's POV Nagising ako sa isang magarang kwarto at may lalaking hindi ko kilalang prenteng naka upo sa gilid ng malambot at malaking kama kinahihigaan ko. Napansin niya atang tinititigan ko siya kaya naman lumingon siya sa akin at ngumiti. "Mabuti naman at nagising ka na mahal ko. Maligayang pagbabalik sa ating kaharian." naka ngiti niya namang sabi sa akin saka lumapit. Napabangon agad ako at umalis sa kama. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit hindi ko ito mabuksan. Humarap ako sa kinaruruunan niya at hindi ko manlang namalayan na nasa likuran ko na pala siya. "S-sino ka? Nasaan si Sir James?" sunod-sunod ko namang tanong sa estrangherong lalaki na nasa kwarto. "Ako si Prinsipe Red, hindi mo ba ako naalala mahal ko?" sabi niya naman sa akin na may malungkot na tono. Speachless ako sa sinabi niya. "Matagal na akong nagugulila sayo mahal kong Eliza." sabi niya naman sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Sa sobrang gulat at naitulak ko siya. Sino ba siya para umasta ng ganyan. "Nagkakamali ka hindi ako yung prinsesang yun." explain ko sa kanya. "Alam kong ikaw siya. Matagal na panahon bago kita nahanap. Ngunit nang mahanap kita ay bumalik ang katawan mo sa pagiging bata kaya hindi kita agad naibalik dito hanggat hindi ka pa nakakatongtong sa idad na labing pitong taong gulang. Kaya naman pinabantayan kita kay Cedrick, ang bampirang nagdala sa iyo dito sa mundong ito." mahaba niyang litanya habang naka yakap na sa akin. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya tungkol sa akin. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Naguguluhan ako." sabi ko naman sa kanya at inalis ang kamay niya na naka yakap sa akin. Hindi talaga ako comfortable sa kanya. Hindi ko siya kilala pero kung maka akto siya parang boyfriend ko siya at kung maka yakap wagas. "Hindi mo ba naalala mahal ko na isinakripisyo mo ang sarili mo upang mawala ang sumpa ng mga bampira na hindi pwedeng maglakad kung mayroong sikat ng araw. Kapalit ng iyon ay napunta ka sa mundo ng mga tao at naisilang kang muli." sabi niya naman sa akin na may malungkot na tono na waring pinipigilan niya ang pagtulo ng luha niya. "Pasensiya na, hindi ako ang prinsesang yun. Ibalik mo na ako sa mundo namin. Baka hinahanap na ako ng mga magulang ko." pakiusap ko naman sa kanya habang naka yuko. Iniangat niya ang baba ko dahilan para makita ko ng malapitan ang mukha niya na ilang inch nalang ang pagitan namin. Tila wala siyang narinig sinabi ko. "Maalala mo din ako mahal ko." sabi niya at sa isang iglap ay naka lapat na ang labi niya sa labi ko. Napaluha nalang ako ng maalala ko ang taong mahal ko na dapat siya ang makakuha ng una kong halik. 'No! Ang first kiss ko! Para kay Sir James lang ito!' yun ang sigaw ng isip ko. Pinikit ko nalang ang mata ko at tahimik na umiyak at hinayaang dumaloy ang luha ko sa pisngi ko. "Sir James..." Bangit ko sa pangalan ni Sir James nang humiwalay ang labi niya sa labi ko. "Hindi siya para sayo, dahil isa lang siyang guardian mo. Ang prinsepeng katulad ko ay para sa isang prinsesang tulad mo." sabi niya at marahang pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko. "Magpahinga ka nalang muna dahil maaga pa." sabi niya saka ako hinila pabalik sa kama at pinaupo. "Bago ko nga pala makalimutan mahal ko. Hindi ka na parte ng mundo ng mga tao dahil bumalik na ang orihinal na Lezlie. Kapag nawala na ang buwan ay magiging bampira ka na ulit ngunit wala paring kasiguraduhan kung babalik pa ba ang nawawala mong ala-ala. Kung sakali mang hindi na maibabalik ang ala-ala mo ay gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako ulit." sabi niya sa akin at naglakad na palabas ng pinto. Naiwan akong tulala. Isa akong bampira, hindi ko ata kayang tangapin ang pagkatao kong yon. Nagmadali akong binuksan ang pinto at hinabol siya. "Sandali!" sigaw ko sa kanya ng maka labas ako ng pinto. "Pwede mo ba akong samahang maka balik sa dati kong mundo? Gusto ko lang masugurado kong maayos ba silang lahat." pakiusap ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. "Kung yan ang kagustuhan mo mahal ko." sabi niya naman at inabot ko ang kamay niyang naka lahad. Pumunta kami sa kanayang kwarto at may naka guhit na sa sahig na pentagram. Pinatakan niya ito ng kanyang dugo at bigla na lamang itong nagliwanang. Wala pa isang segundo ay nakarating na agad kami sa dati kong mundo. "Diba dapat dumaan tayo doon sa may gate malapit sa dagat?" takang tanong ko sa kanya. "Ginagamit lang yun upang maka punta sa kaharian." sagot niya naman at tumingin na sa may daan. Nakita ko ang mga kaibigan kong may kasamang ibang babae. "Siya ang totoong Lezlie." sabi naman sa akin ni Prinsepe Red. "Hindi naman kami kamukha." sabi ko naman habang naka tingin doon sa babaeng kasama ng mga kaibigan ko nagkakatuwaan habang naglalakad sa kalsada. "Kasi yan ang tunay na siya. Panuorin mo ang susunod na mangyayari." sabi niya sa akin habang naka tingin parin sa daan kung saan nasaan ang mga kaibigan ko kasama ang totoong Lezlie. "Lez, si Sir oh. Kyeee~." sabi naman ni Karen sa totoong Lezlie. Tumingin ako sa tinutukoy nilang Sir. Hindi si Sir James na kinababaliwan ko kundi ibang bagong gwapong guro. "Siya na ang pumalit kay Sir James?" tanong ko naman sa kanya. "Oo, ganon na nga." sabi niya sa akin at yumakap mula sa likuran ko kaya naestatwa ako sa sobrang gulat. "Hindi ka na kabilang sa mundong ito mahal ko. Dahil noon pa man nasa mundo ka na ng mga bampira." saad niya naman sa akin habang naka yakap parin. Kumalas ako sa pagkakayakap niya dahil naiilang ako. Hindi ko rin naramdaman ang salitang 'kilig'. Tanging ang nararamdaman ko lang sa kanya ay isang kaibigan. "Pwede na ba tayong bumalik. Gusto ko lang magpahinga." sabi ko naman sa kanya at naka yuko. Hindi parin talaga matangap ng sistema ko na hindi na talaga kabilang sa mundong ito. "Kung yan ang gusto mo." sabi niya naman sa akin at hinila niya ako sa wala ka tao-taong lugar at doon gumuhin ng pentagram. Tulad ng dati pinatakan niya din ito ng dugo. Matapos yun ay dumaan na kami sa gate na malapit sa dagat. ♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥ Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update Arigato salamuch hamnida ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD