CHAPTER 6

1095 Words
Lezlie's POV Pangalawang araw ko na rito ngunit naka kulong lang ako sa aking silid. Wala akong balak lumabas buong araw lang akong nagmumukmok Hindi palang sumisikat ang araw ay gising na ako. Tinahak ko ang pasilyo papunta sa kwarto ni Sir James. At makiusap na ibalik ako sa mundo namin kahit saglit lang. Gusto ko lang namang malaman ang kalagayan ng mga magulang ko. Noong araw kasi na pumunta ako kasama si Red ay hindi ako komportable na kasama siya. Hindi na ako nag-abala pang katukin ang pinto sa sobrang pagmamadali ko na baka hanapin ako ni Red sa aking silid. Nagulat ako ng binuksan ko na ang pinto dahil nakita kong may kahalikan siyang babae sa may sofa. Napatigil sila nang makita nila akong naka tayo sa may pinto. Sa sobrang gulat ay umayos sila ng upo. "Ahmm... May kailangan po ba kayo mahal na prinsesa?" formal niyang tanong sa akin habang ibinubotones ang kanyang polo. "Ah, dibale nalang. Sige ituloy niyo nalang ang ginagawa niyo." sabi ko naman sa kanila at mabilis na isinara ang pinto bago pa man tuluyang mahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumakbo ako papuntang hardin at doon umiyak. Gusto kong magalit! Gusto kong sampalin yung babaeng yun! Pero ang mas masakit ay wala akong karapatang gawin yun dahil una sa lahat sila ang may relasyon at echos lang ako. "Bakit po kayo umiiyak mahal na prinsesa? May problema po ba?" tanong ng lalaki at lumuhod siya upang magkalevel kami. Iniiling ko nalang ang aking ulo bilang tugon at ngumiti ng pilit sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko na ani mo'y binabasa niya ang nasa isip ko. "Kahit ilihim mo ay alam ko ang tumatakbo sa isip mo. May gusto ka pala kay Kuya at nakita mo siyang nakikipaghalikan kay Ate Acrine." sabi niya at umupo sa tabi ko. "Paano mo naman nalaman. Nakakabasa ka ba ng isip?" tanong ko sa kanya habang pinapahid ang luha ko gamit ang isa kong palad. "Hindi, ngunit alam ko na may pagtingin ka sa kuya ko. Nakita kitang galing doon kaya sinundan kita hanggang dito." paliwanag niya sa akin. "G-Girlfriend ba siya ng Kuya mo?" malungkot ko namang tanong sa kanya. "Oo, at ang babaeng yun ay kapaid ng lalaking iyong mapapangasawa. Sige po mahal na prinsesa mauna na po ako." sabi niya at iniwan akong nag-iisa. Magalang siya pero ang sakit naman ng mga salitang binato niya sa akin. Nakakasakit na siya hah. Kung sabagay gwapo naman si Sir James at matalino pa. Ang lalaking katulad niya ay maghahanap din ng kasing perfect niya. Ano bang laban ko sa babaeng yun. Eh, kuko palang talo na ako. Naupo lang ako sa lilim ng isang kahoy at hinintay na tawagin nila ako kung kainan na. "Nandiyan ka lang pala. Alam mo bang hinanap kita sa buong palasyo mahal ko." sabi niya naman sa akin habang namimitas ako ng mga rosas. "Pasensiya na." sagot ko naman sa kanya at yumuko. "Tara na, naka handa na ang mga pagkain sa hapagkainan." sabi niya naman sa akin at inilahad na ang kanyang mga palad. Inilagay ko ang mga kamay ko doon para naman hindi siya mapahiya. Baka kasi ma offend siya kapag hindi ko yun tinangap. Sa ngayon kumakain kami sa napaka habang mesa na ani mo'y fiesta. Magkatabi kami ngayon ni Red at magkatabi naman sina Sir James at yung higad niyang nobya. "Naalala ko nga pala. Iaanonsiyo ko na sa buong palasyo na bukas na sa darating na linggo ng kabilugan ng buwan ay ang araw ng kasal namin ni Lezlie." sabi niya at tumingin sa akin habang naka ngiti. Teka? Bakit hindi ko alam yun? Hindi manlang niya ako ininform! "Mahal kong kapatid, bakit hindi nalang natin pagsabayin ang kasal namin ni Cedrick sa kasal niyo?" request naman ni Acrine sa kuya niya. Nabilaukan ako sa narinig ko kaya naman ay agad kong ininom ang isang basong tubig na nasa gilid ng plato ko. Asdfghjkl!@#$%^&* Ano daw ikakasal sila ni Sir James!? No way high way! "Masyado naman atang maaga." sabat naman ng kapatid ni Sir James habang naka tingin sa akin. Nababasa niya ba ang nasa isip ko? "Tama nga ang sinabi niyang masyadong pang maaga. At isa pa hindi pa naman kita lubusan pang nakikilala." sagot ko naman at tumingin kay Red na nakikiusap na ikansela ang kasal na sinabi niya. "Wag kang mag-alala, makikilala mo din si Kuya in just one week. Diba mahal ko, at dahil tapos na ang misyon mo sa prinsesa pwede mo na akong pakasalan." malandi namang sabi ng babaeng higad. Bakit parang kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito. Ang sarap niyang paghahampasin ng mga kagamitan na nasa ibabaw ng mesa. Sa sobrang inis ko ay inilapag ko na ang aking mga kobyertos sa pinggan at tumayo sa kinauupuan ko at walang pasabing naglakad paalis. "Tapos ka na bang kumain mahal ko?" magiliw namang tanong sa akin ni Red. "Oo, sige babalik na ako sa aking silid." walang buhay ko namang tugon at naglakad na papuntang kwarto. Humiga agad ako sa kama at iniisip ang mga pinag-usapan nila kaina. Sa darating na linggo ay magpapakasal kami ni Red at makikisabay sa amin si Sir James. Ang saklap naman ng love story ko. Sukob ang magiging kasal namin ng taong mahal ko. Nang marinig ko ang katok ay bigla nalamang akong nagtalukbong ng kumot at yumakap sa unan. Bumukas ang pinto at alam kong si Red ang pumasok. Narinig ko ang mga hakbang niya papalapit sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama ko. "Pasensiya na kung nagdesisyon ako ng hindi ka pa handa. Sa ngayon iuurong ko muna ang kasal nating dalawa hanggat hindi mo pa ako lubusang nakikilala." malumanay niya namang sabi sa akin. "Hindi ako papayag na pakasalan ka hanggat hindi pa bumabalik ang ala-ala ko." sagot ko naman sa kanya at nanatili parin akong naka talukbong ng kumot. "Kung yan ang kagustuhan mo. Maghihintay akong darating ang araw na yun mahal ko." sabi niya naman ulit at tumayo na sa pagkakaupo sa gilid ng kama. "Magpahinga ka lang muna mahal ko. Maari ka namang lumabas at magpahangin sa hardin kung gusto mo." sabi niya bago isinara ang pinto ng kwarto. Mahal niya ako ngunit hindi ko kayang suklian ang pag-mamahal na ibinibigay niya sa akin. ♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥ Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update Arigato salamuch hamnida ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD