James's POV
Nandito ako ngayon sa balkonahe ng palasyo at nagpapahangin. Nagbabalik tanaw ako mula sa nakaraan. Kung hanggang saan lang ang aking naalala noong araw na nakipaglaban daw ako sa mga werewolves.
*FlashBack*
Wala akong maala kahit na isa at luminga-linga ako sa paligid dahil hindi ko rin alam kung saan ako ngayon.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng may dalang pagkain kasama ang isang lalaki.
Ngumiti siya sa akin at patakbong inilagay ang pagkain sa maliit na mesa sa gilid ng kama ko at bigla nalamang akong niyakap.
"Sino ka?" takang tanong ko sa kanya.
"Ako si Prinsesa Acrine ang iyong kasintahan." sagot niya naman sa akin habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.
Lumapit sa amin ang kasama niyang lalaki at nagsalita.
"Ako nga pala si Prinsipe Red, sa tingin ko'y wala kang maalala tungkol sa nakaraan mo. Hayaan mo't ipapaliwanag ko sayo." sabi niya naman sa akin at naupo sa upuang nasa gilid ng kama aking hinihigaan.
"Isa ka sa mga magigiting na mandirigma dito sa palasyo na nakipagdigmaan sa mga werewolves. Ikaw lang ang naka ligtas sa digmaan. At dahil sa ipinakita mong katapangan, maari mo nang pakasalan ang aking kapatid na si Prinsesa Acrine tulad ng hinihiling mo noon pa. Ngunit may isa pa akong kundisyon. Gusto kong hanapin mo si Prinsesa Eliza sa mundo ng mga tao at ibalik mo siya dito sa mundo natin." mahaba niya namang litanya sa akin. Kahit na pinaliwanag niya na lahat ay naguguluhan parin ako.
*End Of Flashback*
Habang malalim ang iniisip ko ay may yumakap mula sa likuran ko. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali si Acrine lang pala.
"Mahal ko, ano ba ang iniisip mo? Ang layo kasi ng tingin mo." sabi niya sa akin habang naka yakap parin ng mahigpit.
"Wala naman..." sagot ko naman sa kanya.
"Ok, sabi mo eh... Ininom mo na ba ang gamot na binigay ni Kuya?" tanong niya naman sa akin.
"Oo, katatapos lang." sabi ko naman at humarap sa kanya tapos ngumiti.
Hindi ko kasi kayang tawagin siya sa pamamaraang pagtawag niya sa akin. Basta pakiramdam ko lang na hindi ako sanay.
"Ganon ba. Sige alis muna ako, may ibibigay lang ako kay kuya." sabi niya sa akin at tumingkad siya para halikan ako sa labi saka umalis.
Ganitong babae ba ang minahal ko dati at niyaya kong pakasalan? Iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya tuwing kasama ko siya. Parang isang kaibigan o maliit na kapatid ang turing ko sa kanya. Hindi tulad ng nararamdaman ko kay Lezlie kapag nandiyan siya sa paligid. Sadyang nakakalito ang pakiramdam na ganito.
"Argh!" napadaing ako sa sakit at napahawak sa sintido ko. Dahil sa hindi ko nakaya ang p*******t ng ulo ko ay bumagsak ako sa sahig at nawalan ng malay. Bago pa man dumilim ang paningin ko ay nakita ko si Acrine na patakbong lumapit sa akin.
*Dream*
"Sinasalakay tayo!" nagpapanik namang sabi ni Jeo.
"Tumakas na kayo kami na ang bahala dito." sabi ko kila Lezlie at Jeo.
"Ayaw ko. Lalaban ako kasama niyo." sabi naman ni Lezlie sa akin habang naka hawak parin sa aking braso.
"Pero Eli--" wala ko na natapos ang sasabihin ko dahil may sumigaw na mula sa harapan namin.
"Hulihin sila!" sigaw ng mga kalaban na papalapit sa amin.
Hinila ko na si Lezlie at tumakbo na kami palabas ng palasyo hanggang sa macorner kami sa may dulo ng kaharian kung saan dagat na ang ibaba ng bangin. Kasalukuyan nakikipaglaban sina Jeo at Red gamit ang espada ng mga kawal na naging abo.
Habang nakikipaglaban silang dalawa ay gumuhit ako ng pentagon upang makapag teleport kami papunta sa mundo ng mga tao.
Ngunit bago ko pa man sugatan ang aking sarili ay naramdaman ko na ang espada na sumaksak sa akin at naitulak ko si Eliz sa loob ng pentagon. Sinubukan kong nilahin Eliz palabas doon ngunit naglaho na siya.
Tiningnan ko kung sino ang sumaksak sa akin at nakita ko ang espadang hawak ni Jeo sa likod ko.
Sinipa ni Red si Jeo kaya naman ay tumilapon ito papunta sa mga kaaway.
"Ang tanga mo! Paano ko na malalaman kung nasaan si Eliz!" sigaw naman ni Red sa kanya habang naka tutok na ang espada sa puso nito.
"Anong ibig mong sabihin Red?" naguguluhan kong tanong sa kanila.
"Ah, buhay ka pa pala James ang akala ko naman ay nasaksak ka na ni Jeo sa puso sa sobrang pagmamadali niyang tapusin ka." sabi ni Red sa akin at naka tingin ng masama kay Jeo.
Hinila ko na ang espada na naiwan sa katawan ko. Umubo pa ako ng dugo dahil sa paghugot ko nito.
"Sabihin niyo! Plano niyo ba ang lahat ng ito?!" galit kong sigaw sa kanila.
*End Of Dream*
Napabangon akong bigla at hingal na hingal akala mo kung nakikipag karera sa kabayo.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Acrine at inilapag ang pagkain sa mesa.
"Ayos lang ako." sagot ko naman sa kanya at pilit siyang nginitian.
"Kainin mo muna ang niluto ko para sayo. Matapos yan ay magpahinga ka muna." sabi niya sa akin at tudo pacute.
"Ayaw ko nga." sabi ko at nagcross arm sa kanya. Nakita ko siyang sumimangot.
"Oo na. Uubusin ko ito, syempre luto ito ng mahal kong prinsesa." sabi ko at ginulo ang buhok niya at ngumiti.
Nagsimula ko nang kainin ang pagkain na ibinigay niya.
Ang mga panaginip ko kanina ay hindi basta panaginip lang. Sa tingin ko ay pilit na binabalik ng utak ko ang mga alaalang nawala sa akin.
Naalala ko na hindi pala ako nakakainom ng gamot nitong mga nakaraang araw dahil masyado akong busy sa mundo ng mga tao dahil sa misyong ibinigay sa akin ni Prinsipe Red. Kung ganon, ganito ang magiging epekto kapag hindi ko iniinom ang gamot na ibinibinigay sa akin ni Prinsipe Red.
Gusto ko sanang sabihin kay Acrine ngunit napag-isipisip ko na huwag nalang baka panaginip lang siguro yun.
Matapos kong kumain kanina ay natulog na ako. Naramdaman ko na bumukas ang pinto at umalis si Acrine. Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko ngunit hindi ko parin talaga makuha ang tulog ko.
Bumangon na ako sa higaan ko at lumabas na din ng kwarto. Naglakad lakad na ako sa pasilyo upang hanapin ang kasintahan ko upang ipaalam sa kanya ang panaginip kong patuloy na tumatakbo sa aking isipan.
Nakarating na ako sa tapat ng pinto ng kanyang silid ng narinig ko na nag-uusap sila ng kanyang kuya. Handa na sana akong tumalikod at bumalik sa aking silid upang hintayin nalang siya ngunit narinig ko si Arcine na nagsalita.
"Wala na talagang makakapiligil sa ating plano mahal kong kapatid." sabi naman ni Acrine at sinundan ito ng nakakarinding tawa. Anong plano ba ang pinag-uusapan nila.
Lumapit ako ng kaunti sa may pinto upang malinaw na marinig ang kanilang pag-uusap.
"Ngunit kapag nagsalita si Jeo tungkol sa nakaraan ng dalawa ay malilintikan tayo. Kaya kailangan na nating iligpit ang mga hahadlang sa landas natin." sabi ni Prinsipe Red kay Arcine.
"Ngunit mahal na kapatid---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Acrine dahil tumakbo na ako.
Kinakailangan kong hanapin ang kapatid ko upang balaan siya sa gagawin sa kanya ng prinsipe.
Ano ba ang ibig sabihin ng prinsipe? Sino ba ang tinutukoy niyang dalawang tao na yun? At ano ang kinalaman ni Jeo sa nakaraan nila? Ang daming tanong sa isipan ko na hindi ko kayang sagutin na tanging si Jeo lang ang makakasagot.
Matapos kong marinig ang usapan nilang dalawa ay pumunta ako sa sapa kung saan siya tumatambay tuwing umaga.
♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Halloh mga bebeh wag po kakalimutang mag vote at mag follow sa aking account @RGromie para ma notify kayo kapag may bagong update
Arigato salamuch hamnida ?