Three years later... Baltimore, Maryland Napagpasyahan ni Corrine na sorpresahin si Sybilla sa pamamagitan ng pagbisita sa kapatid. Sobra niyang ikinatuwa ang pagsama sa kanya ng boyfriend na si Mathias. Dalawang taon na ang kanilang relasyon pero hindi pa rin niya mapigilang mapangiti tuwing naiisip na kanya na sa wakas si Mathias. Hindi nasayang ang matagal niyang paghihintay. Hindi siya nabigo. Nagkita at nagkausap sila ni Mathias sa isang kasiyahan na pareho nilang dinaluhan. Pareho silang walang ka-date noong gabing iyon kaya sila na lang ang nagdikit. Sumayaw sila at nagkausap. Nang sumunod na araw, nakatanggap siya ng tawag mula sa binata at niyayaya siya nitong maghapunan sa paborito niyang restaurant. Kaagad siyang pumayag. Kaagad nagsimula ang panunuyo nito sa kanya. Ilang

