Kinabukasan ay nakita ni Corrine na parang nagbalik na sa normal si Mathias. Medyo ikinasiya niya ang bagay na iyon. Hindi siya gaanong nakatulog sa buong magdamag. Nag-aalala at naiinis siya dahil hindi niya masabi kung ano ang talagang ikinakabahala niya. Ang sabi ng isipan niya ay walang dahilan para mangamba o magduda. Ni walang dahilan para mag-isip masyado. Pero hindi mawala sa kanya ang kakaibang pakiramdam. Hindi niya maiwasang mag-isip at habang tumatagal ay lalo siyang naguguluhan. Naisip ni Corrine na lilipas din iyon, lalo na at nakikita niyang nanunumbalik na sa dati ang demeanor ni Mathias. Pag-uwi nila sa Pilipinas ay magiging maayos din ang lahat. “We’re meeting JC for lunch today.” Natigilan si Corrine sa narinig. Mayamaya ay nagsalubong ang kanyang mga kilay. “JC?”

